KIDAPAWAN CITY – Napatay ng mga sundalo sa ilalim ng 603rd Infantry Brigade ang isang lider ng New People’s Army sa bayan ng Senator Ninoy Aquino sa Sultan Kudarat province.
Nakilala ang napaslang na si Emmanuel Fernandez matapos ng 10 minutong sagupaan sa pinagsanib na puwersa ng 7th, 37th, 57th Infantry Battalions at ng 63rd Division Reconnaissance Company sa Barangay Buenaflores kamakailan lamang.
Sinabi ni Col.
Michael Santos, commander ng 603rd Infantry Brigade, na si Fernandez
ang Secretary ng Far South Mindanao Region ng NPA, at may mga multiple warrants
of arrest ito sa ibat-ibang kasong criminal.
“Nabawi ng
ating mga sundalo ang mga armas ng teroristang lider ng NPA kinabibilangan ng
isang .45 caliber pistol na may isang magazine at anim na rounds ng bala at M16
rifle na may isang magazine at 20 rounds na bala,” ani Santos.
Ayon kay
Santos, may kasong arson, destructive arson, murder, frustrated Murder, multiple
attempted murder, rebellion at robbery si Fernandez.
Pinuri naman
ni Maj. Gen. Roy Galido, commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry
Division, ang mga tropa sa pagkakapaslang sa lider ng NPA.
“Malaking
kawalan sa NPA ang pagkamatay ni Emmanuel Fernandez. Hindi lamang ito
makakadagdag sa vacuum ng kanilang pamumuno, pinapahina din nito ang moral ng
kanilang mga miyembro na patuloy ang pagtakas laban sa tropa ng gobyerno,” wika
ni Galido. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment