FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, November 27, 2022

Senate Spouses Foundation namigay ng donasyon sa typhoon victims

MAGUINDANAO - Namigay ng mga relief packages sa mga calamity survivors na nakatira sa Maguindanao del Norte ang Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI).

Isinagawa ang donasyon sa kampo mismo ng 6th Infantry Division sa bayan ng Datu Odin Sinsuat kamakailan lamang. Ang myembro ng SSFI ay mga maybahay ng mga senador ng bansa kung saan pinangunahan ni Audrey Tan-Zubiri – Presidente ng SSFI, Elvira Tootsy Angara – Secretary ng SSFI at Kathryna Yu Pimentel – Treasurer ng SSFI. 

“Nakapaloob sa mga package na ito ang hygiene kits, relief packs at shelter materials. Naway sa simulaing ito manatili tayong matatag sa anumang pagsubok na ating hinaharap,” ani Zubiri. 

Tinanggap naman ng mga mayors ng ubat-ibang bayan sa Maguindanao del Norte at Cotabato City ang mga relief goods. Nakapaloob dito ay 500 hygiene kits, 236 corrugated roof at 500 DSWD relief goods. 

Nagpasalamat naman si Maj. Gen. Roy Galido, commander ng 6th Infantry Division, sa mga donasyon. Pinuri naman at pinasalamatan rin nina Bangsamoro Parliamentary Members Rasul Esmael, Suharto Ambolodto, Maguindanao Del Norte Governor Ainee Sinsuat, Datu Odin Sinsuat Mayor Lester Sinsuat, Datu Blah Sinsuat Mayor Marshall Sinsuat, Cotabato City Mayor Bruce Matabalao at Matanog Mayor Sohria Bansil Guro kasama ang iba pang mga organisasyon ang naturang humanitarian mission. 

Ang kampo ay nagsilbing centralized hub ng relief goods na kinabibilangan ng mga food at non-food items mula sa mga donasyon ng iba’t-ibang organisasyon at sangay ng gobyerno, ayon pa kay Galido. 

“Ito ang inatas sa atin ng Commander-in-Chief at Pangulo ng bansa, President Ferdinand Romualdez Marcos Jr., at ating siniguro na mapupunta ito sa mga nangangailangang pamilya sa tulong na rin ng mga ahensya ng gobyerno,” dagdag pa nito. (Rhoderick Benez) 



No comments:

Post a Comment