MANILA - Tiniyak ngayon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr. na nakatutok ang Philippine National Police (PNP) sa mga high-profile killing laban sa mga local officials at patuloy ang pagbabantay ng pulisya para siguruhin ang kaligtasan ng mga mamamayan.
“Sa ating mga kababayan,
huwag po kayong mag-aalala at nakatutok ang kapulisan sa mga kasong ito. The
PNP exhausts all its resources in the fulfillment of its mandate to serve and
protect the citizens, whether they are local officials or not,” ani Abalos.
Nakipagpulong rin si Abalos kay House of
Representative Speaker Ferdinand Martin Romualdez upang talakayin ang mga
hakbang na ginagawa ng PNP para maresolba ang mga high-profile killings at
hingin ang suporta ng Kongreso para sa karagdagang pondo para sa pagpapalakas
ng hanay ng pulisya.
Sinabi ni Abalos na kabilang sa mga
hakbangin na inilatag ng DILG at PNP sa nasabing pakikipagpulong ang
pagpapaiigting ng paggamit sa teknolohiya sa paglaban sa kriminalidad;
pag-review sa batas sa pagbebenta ng mga sasakyan; at pag-recruit ng mas
maraming pulis sa mga darating na taon.
“Napag-usapan din kung
ano ang mga bagay na puwede nating gawin upang malabanan ang ganitong uri ng
krimen. We were able to discuss among others the usage of technology in the
fight against criminality, and maximum police visibility,” sabi ni Abalos.
Nagpapasalamat din si Abalos sa suporta ni
Romualdez at ng Kongreso sa mga hakbangin ng DILG at PNP sa paglaban sa
kriminalidad at sa sunud-sunod na pagpaslang sa mga lokal na opisyal sa bansa.
Ayon kay Abalos, malaking bagay na katuwang ng DILG ang Kongreso sa pagtupad
nito sa kanyang tungkulin. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment