FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, June 11, 2023

Tinibag na kalsada sa Zambo, perwisyo sa motorista

ZAMBOANGA CITY – Naging sanhi ng perwisyong trapiko ang pagtibag ng City Engineer’s Office sa isang bahagi ng kalsada sa kahabaan ng Don Alfaro sa Barangay Tetuan at umani ito ng sari-saring batikos mula sa mga apektadong motorist.

Tila “lucky pick” sa Lotto ang naging pagpili ng City Engineer’s Office sa kung anong bahagi ng kalsada ang wawasakin upang muling ma-sementuhan. Ilang metro ng kalsada na umano’y lubak-lubak ang tinibag mula pa noong nakaraang buwan.


Dalawang bahagi sa Don Alfaro ang tinibag at pawang magkatabi lamang, subali’t maraming lugar sa naturang kalye ang butas-butas, gayun rin sa maraming kalsada ng nasabing barangay. Hindi naman mabatid kung bakit kailangan wasakin ang pira-pirasong bahagi ng kalsada sa halip na tapalan na lamang ito ng aspalto na siyang ginagawa ng nakaraang administrasyong Climaco.

Napuna rin ng mga taga-roon na ilang araw nakatengga ang tinibag na bahagi ng kalsada ngunit wala naman nagta-trabaho doon. Nitong nakaraang linggo lamang ito na-sementohan.

Matindi rin ang trapiko sa naturang barangay mula pa noong nakaraang taon dahil sa ginagawang drainage system sa Don Alfaro at kailangan pang i-detour ang mga sasakyan sa ibang mga kalsada. (Mindanao Examiner)


No comments:

Post a Comment