FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, October 13, 2023

Housing project ni VG Toto Tan, walang humpay

SULU - Patuloy ang pagsusumikap ng Vision Great program ni Sulu Vice Governor Toto Tan upang magkaroon ng disenteng tirahan ang mga maralitang mamamayan sa lalawigan.

Ayon kay Noenyrie Asiri, program manager ng Vision Great ni VG Toto Tan, umabot na sa 22 ang mga napagawang bahay sa ilalim ng walong programa ng butihing bise gobernador kung saan tatlo dito ang naipagawa sa ilalim ng Vision Great. 

Bagama’t ani Asiri, marami ang nangangailangan ng bahay bilang isa sa basic need ng isang indibidual, sinasala nilang mabuti ang mga karapat-dapat na maging benepisyaryo nito base sa isinasagawang assessment at iba pang hakbang. 

Aniya, sa pamamgitan nito, ma-empower nila ang mga mamamayan sa isang komunidad dahil doon nila na kinukuha ang ibang mga materyales at tauhan na tutulong sa pagpapatayo ng pabahay project sa loob ng isang buwan na nagkakahalang P150,000 kasama ang labor ng kada unit ng kumpletong bahay na may sala, kwarto, kusina at palikuran. 

Tinitiyak nila ani pa Asiri na kung hindi man sa kanila ang lupa na pagpapatayuan nito ay may pipirmahang kasunduan para hindi basta-basta mapaalis ang kanilang mga benepisyaryo na kadalasan naman ay sa kanila ring mga kamag-anak. 

Kalakip ng bahay ang isang pangkabuhayan package na ipinagkakaloob din sa mga benepisyaryo tulad ng kay Walda Walki at sa pamilya nito sa sitio Payahan, barangay Timbangan, Indanan, Sulu na nakatanggap ng naturang pabahay at livelihood project kamakailan lamang. 

Maliban sa Vision Great, may pabahay project din ang iba pang programa ni VG Tan tulad ng sa The Heart of VG Toto Tan, The Great Smile, The Embrace, The Sympathy at maraming iba pa. 

Matatandaan, hinihikayat ngayon ng Administrayong Marcos Jr. ang lokal na pamahalaan at pribadong sektor na tumulong upang maisakatuparan ang pabahay project ng pamahalaan sa mga maralitang pamilyang Pilipino bilang isa sa mga prayoridad nito. (Radyo Pilipinas Jolo)



No comments:

Post a Comment