ZAMBOANGA CITY – Pinagiingat ngayon ang publiko sa pagbili ng mga supplements sa mga online sellers o sa Facebook matapos na dumulog sa pahayagang ito ang isang ginang at humuhingi ng tulong na mailathala ang masamang sinapit nito sa mga scammers.
Isinalaysay ng biktimang si Aling Biling na umorder umano (COD)
ito ng 3 boteng Salmon fish oil na may markang Alaska at isang boteng Garlic
oil na promo ng seller na may Facebook page na “Salmon Oil Softgel Capsule” sa
halagang P699.
Ngunit ang dumating lamang ay isang bote ng Salmon fish oil at isang bote ng Garlic oil at mabilis itong nag-message sa seller upang ipaalam ang kakulangan sa kanyang order.
Laking gulat na lamang ni Aling Biling nang sabhin ng seller
na ninakaw umano ng delivery rider ang 2 bote ng fish oil. Ipinaliwanag pa
umano ni Aling Biling sa seller na imposibleng nakawin ng rider ang nawawalang
mga bote ng Salmon fish oil dahil maayos umano ang wrapper ng package.
Tinawagan rin ni Aling Biling ang delivery rider sa kanyang
cell phone upang ipaalam ang sinabi ng seller. Agad naman itinanggi ng rider
ang akusasyon at sinabi nito na talagang 2 bote lamang ang ipinadala ng seller.
Sa kabila ng paulit-ulit na demand sa seller na ipadala ang
nawawalang order ay hindi na nito sinasagot sa Messenger ang kawawang biktima.
Ang masakit pa, aniya Aling Biling ay na-blocked umano ito dahil hindi na
ma-access ang Facebook page ng seller o kaya ay gumawa ito ng panibagong Facebook
page matapos na mag-iwan ng “negative review” at salaysay si Aling Biling.
Tinawagan naman ng The Mindanao Examiner ang cell phone number
ng seller 0953-2573338 ngunit ito lamang ang maririnig sa kabilang linya “the
number you have dialed is incorrect” at posibleng fake ang cell phone number.
Subali’t lumabas rin - dahil sa Viber application - ang pangalan
ng seller na si “Fish Oil Jose Loria JonaroLoria.” Ang address naman ng seller
ay sa “Fish Oil Softgels, Cabaritan Sur, Naguilan sa La Union.”
Isang Facebook seller na may pangalan “Fish Oil Softgels Phils”
ang lumutang sa social media giant at halos pareho ang ibinibenta nito at
Vitamin E capsule naman ang kanilang freebie. Maging ang estilo ng bentahan at
mga larawan ng packages nito ay kahintulad sa Salmon Oil Softgel Capsule.
Tinulungan naman ng pahayag si Aling Binay na i-report sa Meta
o sa Facebook ang naturang scam. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment