MULING HINIMOK ni Sen. Risa Hontiveros ang wanted religious sect leader na si Apollo Quiboloy na sumuko ng mapayapa sa awtoridad matapos na mabigo ang National Bureau of Investigation at pulisya sa Davao City na madakip ito.
“Bilang
na ang masasayang araw ni Apollo Quiboloy. Halos lahat na ng institusyon sa
Pilipinas ay gumagalaw para mapanagot siya,” ani Hontiveros.
Naglabas ng warrant of arrest laban kay Quiboloy ang Senado matapos nitong isnabin ang paulit-ulit na pagtawag sa kanya na dumalo sa hearing kaugnay sa mga alegasyon laban sa pastor na malapit na kaibigan ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
“The
PNP in Davao previously expressed its willingness to work with other law
enforcement agencies in arresting the Kingdom of Jesus Christ leader. Tiwala
ako na matutupad ito at mahuhuli si Quiboloy. Once he is arrested, the Senate
Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality will expect
his appearance in our next hearing,” paliwanag pa ni Hontineros.
“Pinapanawagan
ko din kay Quiboloy na huwag nang mag-inarte. Ang dami na niyang ginawa para
takbuhan ang obligasyon niya sa batas. He should just cooperate and properly
answer the accusations hurled against him. Kung walang kasalanan, hindi
kailangang magtago,” dagdag pa nito.
Wanted rin si
Quiboloy ng Federal Bureau of Investigation at tanging extradition request na
lamang ang hinhintay mula sa Amerika upang ma-aresto at maimbestigahan ito sa
mga asuntong kinakaharap.
“The Senate Committee on Women, Children,
Family Relations and Gender Equality is conducting an investigation in aid of
legislation, and it has the power to compel the attendance of witnesses - no
matter how well-connected they are,” ani Hontiveros.
May mga balitang nagtatago na umano si Quiboloy sa takot na
madakip at sa paranoya nitong siya ay itutumba ng FBI.
“In the past, Cabinet officials, lawmakers, an incumbent
Senate President, and even a former President have submitted to Senate
subpoenas and appeared as witnesses. His constitutional rights, like all
witnesses, are respected. Pero hindi siya mataas pa sa presidente, sa Senado,
at sa batas,” wika ni Hontiveros.
“Sa kabilang banda, hindi po ako mangingiming tumindig laban
sa mga nananakit ng kapwa -- lalaki, babae, bata, at kahit kadugo, gaya ng
hindi nangingimi ang Senado na magsalita laban sa mga mapanakit, mapang-abuso
at tiwali. Isa lang ang hinihingi sa inyo -- ang magpakita sa Senado. Tinatawag
niyong duwag ang testigong nakatakip ang mukha pero nagpasa naman ng affidavit,
habang hindi kayo sumusunod sa subpoena at nagpadala lang ng audio clip,”
dagdag pa ng senador.
Si Quiboloy ang itinuturong founder ng Kingdom of Jesus
Christ na siyang nagsasabing siya ay “Appointed Son of God” at “Owner of the
Universe. Nahaharap ito sa kaong sex trafficking, at iba pa mula sa FBI.
Sa official website ng FBI, sinasabing si Quiboloy sa
“wanted for conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and
coercion, and sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud and
coercion; conspiracy; and bulk cash smuggling.”
“Apollo Carreon Quiboloy, the founder of a
Philippines-based church, is wanted for his
alleged participation in a labor trafficking scheme
that brought church members to the United States, via fraudulently obtained
visas, and forced the members to solicit donations for a bogus
charity, donations that actually were used to finance church
operations and the lavish lifestyles of its leaders. Members who proved
successful at soliciting for the church allegedly were forced
to enter into sham marriages or obtain fraudulent student visas to
continue soliciting in the United States year-round,” ayon pa sa FBI.
“Furthermore, it is alleged that females were
recruited to work as personal assistants, or “pastorals,
for Quiboloy and that victims prepared his meals, cleaned his
residences, gave him massages and were required to have sex
with Quiboloy in what the pastorals called night duty,” dagdag pa ng
FBI.
Itinanggi naman ito ni Quiboloy at inihalintulad ang sarili
kao Moses. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment