FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex
Showing posts with label Datu Montawal. Show all posts
Showing posts with label Datu Montawal. Show all posts

Monday, February 18, 2019

Head teacher, pinatay dahil sa motorsiklo!

KIDAPAWAN CITY - Tuluyan ng binawian ng buhay ang isang school head matapos na pagbabarilin ay tinangayan pa ng motorsiklo ng di-pa nakilalang mga salarin sa bahagi ng Barangay Bulit sa bayan ng Datu Montawal sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinilala ng Datu Montawal PNP ang biktima na si Emmanuel Gonzales at nakatira sa Poblacion sa bayan ng Pikit, North Cotabato. Nangyari ang pamamaril sa head teacher ng Pikit National High School pasado alas 6:00 ng umaga kamakalawa.

Sa panayam kay Datu Montawal PNP Chief, Police Chief Inspector Erwin Tabora, sakay ng kanyang motorsiklo si Gonzales ng pagbabarilin ng riding in tandem suspek. Nagtamo ng tama ng bala mula sa caliber 45 pistol ang biktima sa kanyang likod.

Mabilis namang naisugod na pinakamalapit na ospital para sa agarang medikasyon pero kalauna’y binawian ito ng buhay.

Ayon kay Tabora, isa sa kanilang sinusundang anggulo ay nakaw-motorsiklo dahil napag-alaman na bago umano ang motorsiklo ng biktima. Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. (Rhoderick Beñez)


Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Mirror Site: https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates

Thank you so much for visiting our website. Your small donation will ensure the continued operation of the Mindanao Examiner Regional Newspaper. Thank you again for supporting us.  BPI: 952 5815649  Landbank: 195 113 9935


Wednesday, January 23, 2019

NIA engineer, pinatay sa Maguindanao

KIDAPAWAN CITY - Patay ang isang National Irrigation Administration o NIA engineer matapos tambangan ng mga armadong lalalki na nakasakay sa motorsiklo sa bayan ng Datu Montawal sa magulong lalawigan ng Maguindanao.
 
Kinilala ang nasawing biktima na si Engr. Joseph Adam, dating Municipal Engineer ng Datu Montawal at ngayo’y NIA engineer na nakatalaga sa Mallitubog Maridagao Irrigation Project sa bayan ng Pikit sa North Cotabato.
 
Ayon sa pulisya, tinambangan si Adam nitog Martes ng hapon habang pauwi sa bayan ng  Kabacan sa North Cotabato lulan ng kanyang sasakyan. Dinikitan ng mga armado ang biktima at pinagbabaril gamit ang .45-caliber pistol base sa mga basyo ng bala na nakuha sa lugar ng krimen.
 
Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na bayan ng Datu Montawal. Naisugod pa ang biktima sa ospital pero ideneklarang dead on arrival ng mg attending physicians. Nagtamo ng sugat mula sa tama ng bala si Adam sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan dahilan ng agaran nitong kamatayan.
 
Personal na alitan at titiningnan din kung may kinalaman sa kanyang trabaho ang pagbaril at pagpatay sa nasabing biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente. (Rhoderick Beñez)
 
 


Mitsubishi