ZAMBOANGA CITY – Isang
babaeng Muslim at ang kinakasama nitong Muslim rin ang pinagbabaril sa kanilang
inaarkilang kuwarto sa magulong lungsod ng Zamboanga sa Mindanao.
Nakilala ang mga nasawi
na si Sahara Kibari, 32, at ang partner nitong si Alson Arraji, 23. Pinatay ang
dalawa kamakalawa ng gabi sa Barangay Calarian di-kalayuan sa kampo ng Western
Mindanao Command at ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Posibleng umanong kilala
ng babae ang salarin dahil bago ang pamamaril ay narinig umano ng may-ari ng
boarding house na nakikiusap si Sahara sa suspek at sinabi nito sa wikang
Tausug na: “Ayaw na ‘toh,” at saka umalingawngaw ang mga putok ng baril.
Nakita naman palabas sa lugar
ang isang lalaking payat na may balbas na hinihinalang salarin. Sa katawan at
braso ang tama ni Sahara, samantalang sa ulo naman tinira si Alson. Nabawi sa
lugar ang mga basyo ng .45-caliber pistol.
Nabatid na ika-apat na
partner na ni Sahara ang binata. Hiwalay umano si Sahara sa tatlong naging
ka-relasyon nito – ang isa ay sundalo at ang isa naman ay parak na naka-destino
sa lalawigan ng Sulu – ayon sa mga ulat.
Kalilipat lamang umano
ni Sahara sa lugar nitong Enero, ngunit may bahay naman ito sa iba pang
barangay sa Zamboanga. Hindi pa mabatid ang motibo sa pagpatay, ngunit mahigpit
na ipinagbabawal sa Islam na ang mga babaeng Muslim ay magkaroon ng relasyon sa
ibang lalaki.
Kaliwa’t-kanan ang
patayan sa Zamboanga at halos hindi pa nalulutas ang mga kaso na tinatayang halos
isang dosena na mula nitong taon. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
No comments:
Post a Comment