FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, January 18, 2018

Lolo nagpatiwakal sa sariling libingan

ZAMBOANGA CITY – Mistulang hinanap ng isang retiradong navy si Kamatayan matapos itong magbaril sa sarili sa lupa na kanyang binili sa isang pribadong memorial park sa Zamboanga City.

Kinilala ng pulisya ang nagpatiwakal na si Benedicto Rara Remigio, 71, at natibo ng Cebu, ngunit dito naninirahan sa Zamboanga. Nagtungo umano ito sa Forest Lake sa Barangay Tumaga at nagtanong sa mga staff doon kung saan lugar ang lupang nabili at nais nitong makita.

Matapos na samahan at ituro ng isang staff ang lupa ni Remigio ay iniwan na umano itong nagsosolo doon. Ilang minuto lamang ay nakarinig na ng 2 putok ng baril ang mga staff ng Forest Lake at tumambad sa kanila ang duguang dibdib ni Remigio.  Natagpuan rin sa lugar ang isang .22-caliber pistol sa tabi ng bangkay ng matanda.

Dalawang beses umanong binaril ni Remigio ang sarili dahil hindi ito napuruhan sa unang putok. Nabawi rin sa kanya ang isang pouch na naglalaman ng suicide note, ayon pa sa pulisya, ngunit hindi naman ito isina-publiko ng awtoridad.  Wala rin pahayag ang pamilya ni Remigio sa kagimbal-gimbal na ginawa nito sa kanyang sarili.(Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper  


No comments:

Post a Comment