FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, January 18, 2018

Dalagita, ni-rape ng matandang lalaki

PAGADIAN CITY – Isang matandang binata ang dinakip ng pulisya matapos na diumano’y gahasain nito ang isang dalagita sa bayan ng Jose Dalman sa Zamboanga del Norte province sa Mindanao.

Nakilala ang suspek na si Benedicto Bolivar Bantaya, 62, na itinuturong lumapastangan sa 13-anyos na biktima sa naturang lugar. Nadakip si Bantaya matapos na humingi ng saklolo sa pulisya ang dalagita.

Sinabi ng biktima na ginahasa umano siya ni Bantaya kamakalawa. Nahaharap sa kasong kriminal ang suspek na ngayon ay nakapiit sa himpilan ng pulisya sa nasabing bayan.

Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag si Bantaya sa akusasyong ibinato sa kanya ng dalagita na ngayon ay nasa superbisyon ng mga social workers. (Mindanao Examiner)


Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
 


No comments:

Post a Comment