FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, January 18, 2018

Sayyaf, nalambat sa Zambo

ZAMBOANGA CITY – Hawak ngayon ng pulisya ang isa umanong Abu Sayyaf matapos itong madakip sa Zamboanga City sa magulang rehiyon ng Mindanao.

Kinumpirma ito ni Chief Inspector Helen Galvez, ang tagapagsalita ng regional police office, at kinilala nito ang suspek na si Puyat Saiyadi, 45. Nalambat ito sa Plaza Pershing na ilang bloke lamang ang layo mula sa City Hall.

Nahaharap sa mga kasong kidnapping si Saiyadi at may maraming arrest warrant mula kay Judge Leo Jay Principe ng Isabela City sa lalawigan ng Basilan. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa suspek upang alamin kung ang plano ng Abu Sayyaf sa Zamboanga at bakit ito narito.

Hindi pa mabatid kung may mga kasamahan si Saiyadi na nasa Zamboanga rin. Palaisipan pa rin kung paanong nakapuslit si Saiyadi sa operasyon ng militar sa Basilan, isa sa 5 lalawigan ng Muslim autonomous region. At kung paano itong nakalusot sa mga sundalo at parak na nagbabantay sa pier ng Basilan at Zamboanga. (Mindanao Examiner)


Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
 


No comments:

Post a Comment