FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, February 23, 2018

Sayyaf rifles, nabawi ng militar sa Sulu


SULU – Nabawi ng militar ang 8 mga automatic rifles na umano’y pagari diumano ng Abu Sayyaf sa bayan ng Kalingalan Caluang sa lalawigan ng Sulu sa Mindanao na kung saan ay patuloy ang paghahanap ng mga sundalo sa rebeldeng grupo.

Ayon sa ulat ng militar, nakuha kahapon ng mga sundalo ang armas – apat na M14 at apat na M16 – sa Barangay Pitogo matapos na makakuha ng impormasyon na itinatago ang baril sa Sitio Kadkad.

Ngunit nakatakas naman ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf na siyang pinaghahanap sa kasalukuyan. Ang naturang bayan ay kilalang kuta ng Abu Sayyaf at marami sa mga residente doon ay kaanak ng mga rebelde.

Hawak pa rin ng Abu Sayyaf ang mahigit sa isang dosenang bihag na karamihan ay pawang mga seaman na dinukot sa karagatan ng Tawi-Tawi, Basilan at Sabah sa Malaysia at itinatago sa masukal na gubat ng Sulu.

Nanawagan naman kahapon si Gov. Totoh Tan sa publiko na suportahan ang militar at pulisya sa kanilang kampanya laban sa masasamang loob at sa pagkalat ng mga ilegal na armas sa Sulu. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: https://www.mindanaoexaminer.com and  https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper


No comments:

Post a Comment