KIDAPAWAN CITY - Sa isang simple, pero makabuluhang seremonya sa loob ng makeshift venue sa harap ng Kidapawan City Hall, ikinasal ang siyam na couples sa kabila ng pandemya na dulot ng Covid-19.
May mga bisita, ngunit limitado lamang ang tinaguriang “facemask wedding” dahil sa umiiral pa rin ang Modified General Community Quarantine dito.
Nagpalitan naman ng matatamis na “I Do” ang siyam na couples na pawang mga residente dito sa harap ni Mayor Joseph Evangelista.
Kabilang sa mga ikinasal ang dalawang “persons with disability na sina Jese at Rosalie na limang taon ng nagsasama at may isang anak na. Hindi naging hadlang ang kanilang pag-iisang dibdib na kapwa “deaf and mute” kahit paman sa pamamagitan ng sign language lamang.
Tulad ng iba, dumaan rin sa pagsubok ang kanilang pagmamahalan, ngunit nanatiling matapat at napagtagumpayan nila ang mga ito.
Tulad ng nakagawian, muling nagpaalala ang alkalde na ang pagmamahal, pag-galang at katapatan sa kanilang asawa ang dapat mangibabaw alinsunod sa Family Code of the Philippines at ng RA 9262 o Violence Against Women and Children Law.
Mainit din ang ipinararating ng pagbati sa iba pang couples na ikinasal sa Mega Tent ng City Hall na sina Sergio Sixto at Jessa Mandin, Dave Panes at Charmaine Intong, Diover Cajurao at Janice Salamanca, Geoffrey Ramirez at Jan Pauline Relampagos, Elmer Samanion at Gemma Arellano, Jeoffrey Abingue at Gussebelle Bayon, Regin Albacite at Ana Rose Aninipot at sina Garry Baliguat at Rhea Mae Pindoy.
Nagpasalamat naman ang mga bagong kasal sa alkalde na tuwang-tuwa sa nakitang pagmamahalan ng mga ito. (Rhoderick Beñez)

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates

No comments:
Post a Comment