NORTH COTABATO – Pormal ng sinampahan ng kaso ang isang rape suspek na gumahasa sa isang 15-anyos na dalagita na kabilang sa mga Locally Stranded Individual o LSI sa isolation facility ng Dolores sa bayan ng Antipas sa North Cotabato.
Ayon kay Antipas Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO Head, Helen Lebuit, na matapos ang pagsampa ng kaso ay hindi na mahagilap ang suspek na edad 35-anyos.
At sa ulat ng pulisya, nitong unang linggo pa ng Agosto nang isampa ang kaso laban sa kanya na ngayon ay pinaghahanap ng mga awtoridad. Nasa pangangalaga pa rin ng MSWDO Antipas ang biktima.
Nabatid na July 12 nang mangyari ang panghahalay sa naka-quarantine na dalagita matapos itong nakipag-inuman sa suspek doon mismo sa isolation facility.Hindi na umano nakapalag pa ang biktima dahil nakita nito ang kutsilyo sa gilid ng suspek na lasing nung ginawa ang panghahalay.
Sa Kidapawan City, desididong magsasampa rin ng reklamo ang isang LSI na naka-isolate ngayon sa isang quarantine facility laban sa isang opisyal ng barangay matapos umanong magpapadala ng malalaswang text messages sa kanya.
Iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad ang bintang ng nasabing LSI. (Rhoderick BeƱez)

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates

No comments:
Post a Comment