TINAWAG NI Pangulong Duterte na “sira ulo” o “buang” at “anti-social” ang mga taong tumatanggi sa bakuna matapos nitong paniwalaan ang isang survey na nagsasabing 43% lamang sa mga respondents nito ang pabor sa bakuna.
President Rodrigo Duterte |
Muli rin ipinag-utos ni Duterte sa pulisya at militar ang pagpapatupad sa mas mahigpit na health protocols bunsod ng ulat na may Delta variant na sa bansa. Una itong naghasik ng kamatayan sa India at ngayon ay kalat na sa buong mundo at maging sa katabing bansa ng Malaysia at Indonesia at dominant variant na rin ito.
“I urge the DILG and the PNP to
implement the existing protocols with greater urgency and necessity. It is only
by imposing these restrictions that we can fight the threat of Delta variant.
Now, remember that the reason why the security forces of the government are
very strict is not because they want to be strict and they want to make it hard
for the people move rather they are strict because they want to protect the
country from a very contagious disease and maybe cause more deaths more than
the lives that we lost in the past,” ani Duterte.
“Meanwhile, the latest Pulse Asia
survey reported similar data with 43 percent respondents willing to get the
vaccine. Alam mo I don’t want to be ‘yung bunganga ko pero itong mga buang na
ito, they not only endanger themselves, their family, but everybody they come
in contact with. And everything that they touch or hold mag-iwan sila ng virus,
they can spread and they called the spreader because they spread with more
audacity, ika nga,” dagdag pa ni Duterte.
Kalimitan sa mga survey ay nasa 1,200
respondents lamang ay tumutugon sa mga tanong. Ngunit nangangamba ngayon si
Duterte na baka kumalat sa ibat-ibang panig ng bansa ang Delta variant tulad ng
nagaganap sa Malaysia at Indonesia, gayun rin sa South Korea at Taiwan dahil sa
mas matindi ang bagsik ng virus at mas nakamamatay.
“That should give us a, put us in
grave concern because ang sabi na nga na it is aggressive, vicious, and more
virulent, and can cause death faster than the Covid-19. So iyan ho ang worry
natin. According to our local health officials, the Delta variant is believed
to be 60 percent more transmissible than the Alpha variant,” wika ng Pangulo.
“We may need to re-impose stricter
restrictions to avoid mass gathering and prevent super spreader events. Now, it
is not only Indonesia, tinamaan ulit ang Korea at Taiwan. Sila ‘yung
nag-lockdown kasi pumasok nga itong variant na Delta. I hope that our existing
infrastructure in dealing with the problem of Covid-19 can cope up depende kung
the vaccines for Covid-19 can be as effective in dealing with the virus Delta,”
paliwanag pa ni Duterte.
Nanawagan na naman si Duterte sa
publiko na magpa-bakuna, ngunit kulang naman ang supply nito at karamihan sa
mga bakunang natatanggap ng bansa ay donasyon mula sa World Health
Organization. At ito ay sa kabila ng napakalaking halaga ng inutang ni Duterte
sa pambili ng bakuna at karamihan nito ay nagpunta lamang sa China – ang
Sinovac vaccine.
“I ask national and local quarters to
heighten their vaccine information and education campaign to further increase
vaccines. Alam mo ‘yung the importance of vaccines --- ‘yang ‘yung word na “the
importance of vaccines” you must get the vaccine or you die. Ilang beses na
‘yan na sinasabi, many times. So kung ayaw talaga ninyong maniwala eh ‘di huwag
na lang kayong lumabas ng bahay para wala kayong mahawa.”
“At kung ganyan ang, if that is your
state of mind, actually to me you are anti-social, para kang galit sa tao. You
are antisocial because in face of the danger confronting you and knowing fully
well that it is really dangerous, you choose the path of this resistance by
just not getting the vaccine at all,” ani Duterte. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates
No comments:
Post a Comment