DAVAO CITY – Patay ang isang 79-anyos na pari matapos na sumalpok ang sasakyan nito sa isang van sa highway sa lalawigan ng Davaop del Sur sa Mindanao.
Nakilala ang biktima na si Fr Jose Ante, ng Oblates of Mary Immaculate at ayon sa pulisya ay sumabog umano ang gulong ng kanyang sasakyan habang bumabaybay kamakalawa sa Barangay Sinawilan sa bayan ng Matanao.
Nawalan umano ng kontrol sa kanyang sasakyan ang apri matapos na sumambulat ang gulong nito at saka nagpagewang-gewang hanggang sa sumalpok sa papasalubong na van.
Isinugod pa ang pari sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay dahil sa mga tinamong pinasala sa katawan. Patungong Davao City si Ante ng maganap ang aksidente.
Naging dean ng Notre Dame sa Jolo sa lalawigan ng Sulu si Ante noon dekada 60 bago ito nanilbihan sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa naturang bayan in Jolo at Social Action director ng Vicariate of Jolo.
Nagparating naman ng kanilang pakikidalamhato sina Sulu Gov. Totoh Tan at Vice Governor Sakur na sa Notre Dame rin nagtapos. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
http://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
http://mindanaoexaminer.com/ad-rates
No comments:
Post a Comment