KIDAPAWAN CITY – Tatlong katao ang kumpirmadong nasawi at mahigit sa isang dosena ang sugatan matapos na sumalpok ang kanilang truck sa isang road barrier at saka nahulog sa gilid ng daan na halos 5 metro ang lalim sa bayan ng Caraga sa Davao Oriental province sa Mindanao.
Sinasabing nawalan ng preno ang truck na minamaneho ni James Antolin nitong Biyernes at 24 ang sakay nitong pasahero. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa trahedya upang mabatid kung totoong nawalan nga ng preno ang driver o sadyang mabilis ang pagmamaneho nito.
Isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatan at ang bangkay ng mga nasawi sa aksidente ay nasa punerarya pa rin at iuuwi umano ang mga ito sa kanilang lugar sa Tagum City.
Nagpaalala naman ang pulisya sa mga motorist at biyahero na mag-ingat sa kanilang pagmamaneho upang maiwasan ang anumang aksidente. (Geo Solmerano)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

No comments:
Post a Comment