DAVAO CITY - Inalmahan ng media watchdog National Union of Journalists of the Philippines ang kautusan ni Philippine National Police chief Ronald dela Rosa na itago sa mga mamamahayag ang mga spot reports nito at sa halip ay press release na lamang ang ibigay.
Ipinag-utos ito ni Dela Rosa sa lahat ng commanders at maging sa regional office ng PNP sa buong bansa. Ito ay kasunod ng pagtanggi ng PNP na ipakita sa Commission on Human Rights ang mga diumano'y kaso ng extrajudicial killings na ibinibintang sa pulisya sa operasyon nito kontra ilegal na droga.
Sa pahayag ng NUJP, hinimok nito sa mga police commanders na huwag ipatupad ang kautusan ni Dela Rosa. "We likewise urge police commanders not to obey a patently illegal order. A police spot report is a public document that should be available to everyone, not just media, in the principle of transparency and accountability," ani pa ng NUJP.
Dahilan umano nito ay ang kakulangan ng detalye sa mga press release at ang pagsa-sanitized ng mga impormasyon na ibibigay sa media para sa interest ng kapulisan. "Suggestions that press releases will be issued in lieu of allowing access to spot reports are not acceptable. Press releases, by their very nature, are sanitized and angled to favor the issuing body and are, thus, not an objective source of information.There is absolutely no reason why the agency sworn to “serve and protect” the people should cloak its operations in secrecy," dagdag pa ng NUJP.
Hinikayat rin ng NUJP ang mga miyembro nito at mamamahayag na kondenahin ang kautusan ni Dela Rosa. "We urge colleagues to raise our collective voice in condemnation of this blatant efforts to withhold the truth and, if needed, to be ready to seek all legal redress," ayon pa sa NUJP. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
No comments:
Post a Comment