COTABATO CITY – Tigok ang dalawang rebeldeng New People’s Army matapos nilang makasagupa kahapon ang puwersa ng militar sa bayan ng Makilala sa North Cotabato province sa Mindanao.
Kinumpirma rin ito ng militar at nabatid na nagsimula ang sagupaan sa Barangay Batasan na kung saan ay nagpang-abot ang mga nagpapatrulyang sundalo at isang grupo ng mga rebelde.
Nabawi ng mga sundalo mula 39th Infantry Battalion ang mga bangkay, ngunit wala pa umanong kumukuha sa mga ito. Wala naman naiulat na sugatan o nasawi sa panig ng militar.
Natagpuan rin sa lugar ang mga armas ng dalawang rebelde na bahagi ng tinatayang dalawang dosenang NPA na nakasagupa ng mga sundalo.
Matagal ng nakikipaglaban ang NPA sa pamahalaan upang maitatag nito ang sariling estado. Hindi rin nagpatinag ang rebeldeng grupo sa mga bantang opensiba ni Pangulong Duterte.
Ito ay matapos na ibasura ng pamahalaan ng peace talks a mga komunista na nagsabing babalik lamang ito sa paguusap kung palalayain ni Duterte ang mahigit sa 500 mga political prisoners na karamihan ay pawang mga lider ng NPA. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
No comments:
Post a Comment