FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, October 14, 2017

Inday Sara, palaban!

DAVAO CITY – Agad na sinagot ngayon ni Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte-Carpio ang pagkalat ng isang larawan nito at amang si Pangulong Rodrigo Duterte na kung saan ay kasama sila sa pangangampanya sa Davao City noong 2010 sina Pangulong Benigno Aquino at Mar Roxas.
Sa naturang larawan na kumalat sa social media ay pinalalabas na supporters umano ang mag-ama nina Aquino at Roxas – na pawang mga Liberal Party officials o “dilawan” na binabatikos ng dalawa ngayon.
Sa kanyang salaysay ay ito ang sinabi ni Sara: “I've known Mar Roxas, sometime before the 2010 elections, long story short nagparaya siya kay PNoy. Kaya blue ang suot ko hindi yellow kasi si Roxas yun humingi ng tulong for Davao, so ayan na nga ang picture ng circus na parada. Of course we all know, there is something off with PNoy. Roxas is intelligent, PNoy among other things, is not.”
“This fact was very obvious, Roxas was very apologetic, he looked pained. One of those moments sa araw na yan, Roxas said and I quote "Pagpa cencyahan niyo na, tulungan niyo ako." (He can deny this, because my corroborative witness PRD, at that time I can tell, was not listening to him. Pnoy and Roxas bores PRD to death). P.S. I never received a single peso for my help to them, check niyo resibo ni Aquino at Roxas.”
Hindi pa mabatid kung sino ang naglabas ng nasabing larawan maliban lamang sa titulong “InjusticeGram” subali’t lumutang naman ito matapos na birahin ni Sara sina Senators Riza Hontiveroz, Kiko Pangilinan at Antonio Trillanes na pawang mga ka-alyado nina Aquino at Roxas. Binansagan pa nitong mga plastic at oportunista ang tatlo na miyembro rin ng grupong “Tindig Pilipinas” na tinawag naman ni Sara na “Hunger Games Pilipinas” matapos na tuligsain ng grupo si Duterte sa kanyang anti-drug war at issue ng extrajudicial killings.
“So back to your picture, that parade was a dud compared to what I've seen sa byaheng du30 for PRD. Wala nga iyong kandidato doon, sticker ng mukha lang niya sa bus pero you should have seen the people who went out and helped us. Papakita ko, gagawa kami ng book byaheng du30: pasasalamat. Juicekow parang nasa election pa rin tayo ano? Black propaganda ang peg. You want to bring this country down with PRD kasi gusto niyo kayo lang. When I look at the videos and pictures of your yellow senators, natatawa ako sa ambisyon niyo. Hire niyo ako consultant para manalo kayo ng hindi dahil sa pandaraya. Magastos mandaya, mas mura consultancy ko,” pangaasar pa nito.
Muli rin nitong hinamon si Trillanes na ilabas ang proof of authenticity at source nito sa hinihinging bank waiver mula kay Duterte. Binansagan rin nitong sinungaling si Trillanes na kilalang kritiko ni Duterte.
“Pakishare hanggang umabot kay InjustiGram. One of those fake people, behind fake accounts. Tanga ka, injusticegram dapat yan, to be consistent sa tema ng black propaganda niyo, anong injustigram. Engot,” pangwakas pa ng palaban na Mayor. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper


No comments:

Post a Comment