MARAWI CITY - Napatay kahapon ng mga sundalo ang isang ISIS militant matapos itong makipagsagupaan sa mga tropa ng militar sa Marawi City sa magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Hindi pa nakikilala ang nasawing jihadist, subali't nabawi naman ng mga sundalo ang bangkay nito sa binansagang "main battle zone" na kung saan ay pinaniniwalaang may mga nagtatagong ISIS fighter doon. Kinumpirma aman ito ng Joint Task Force Ranao sa ilalim ni Colonel Romeo Brawner, ngunit hindi naman ito nagbigay ng mga detalye ukol sa labanan.
Tinatayang marami pang mga ISIS "straggler" sa naturang lugar at ngayon ay siyang target ng operasyon ng militar. Ito ay sa kabila ng pagbabalik ng mga residenteng apektado ng 5 buwan sagupaan doon. Naunang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na "liberated" ang Marawi matapos na mapatay sin ISIS at Abu Sayyaf chieftain Isnilon Hapilon at commander nitong si Omar Maute.
Nagpapatuloy naman ang rehabilitasyon ng pamahalaan sa mga barangay na kontrolado na ng militar upang bigyan daan ang pagbabalik ng iba pang mga residente sa kanilang lugar. Talamak naman ang akusasyon ng ibang mga Muslim sa Facebook laban sa mga tropa na umano'y nagnakaw sa lugar matapos na kumalat ang mga larawan ng mga truck ng militar na may lulang mga kagamitang-pambahay tulad ng mga mesa, silya at maging play mat.
Ilang beses na itinatanggi ng militar na sangkot ang mga sundalo sa naturang nakawan at sa halip ay sinabing mga ISIS at sibilyang looters ang nasa likod nito. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our NewsDigital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our NewsDigital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
No comments:
Post a Comment