FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, November 2, 2017

Sagupaan sa Marawi muling sumiklab

MARAWI CITY – Napatay ng militar ang dalawang ISIS militants, ngunit 2 sundalo rin ang sugatan sa panibagong sagupaan sa sentro ng Marawi na kung saan ay mahigit tatlong dosenang jihadist pa ang sinasabing nagtatago doon.
Hindi naman ibinigay ng militar ang pangalan ng mga napatay, subali’t isa umano sa mga ito na may alias lamang na Abu Talja ay tagasunod ni ISIS at Abu Sayyaf chieftain Isnilon Hapilon na napaslang kamakailan lamang.
Kinumpirma naman ni Colonel Romeo Brawner Jr., ng Joint Task Force Ranao, na dalawang sundalo ang sugatan sa labanan na naganap gabi ng Miyerkoles habang ginagalugad ng mga tropa ang mga wasak na gusali sa “main battle area.”
Kamakalawa rin ay nadakip naman ng mga sundalo ang 22-anyos na Indonesian ISIS fighter na si Mohd Syaputra at isiniwalat nito sa isang interogasyon ng militar at pulisya na nasa 39 na militants pa sa kanyang grupo ang nasa main battle area. Matagal na umano nitong gusting tumakas at sumuko, subali’t nagbanta ang mga kasamahan na papatayin sila kung magtatangka.
Dahil dito ay naisipan ni Mohd na patayin ang 2 kasamahan at saka tumakas dala ang ilang piraso ng alahas at passport, at isang baril hanggang sa ito ay madakip ng mga sundalo. Inamin ni Mohd na limitado na sa bala ang mga naiwang kasamahan at halos wala na rin silang makain kung kaya’t marami ang demoralisado.
Dumating sa bansa si Mohd noon nakaraang taon matapos na makumbinsi ni Hapilon na sumamang makipaglaban sa Mindanao upang maitatag ang isang caliphate. May plano rin umano silang magpasabog ng mga bomba sa ibat-ibang lugar, ngunit naipit na sa giyerang nagtagal ng halos 5 buwan.
Naunang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na liberated na ang Marawi mula sa ISIS kung kaya’t unti-unting pinababalik ang mga residente doon, particular sa mga lugar na nasa kontrol ng militar . (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper


No comments:

Post a Comment