ZAMBOANGA CITY – Isang parak at isang sibilyan ang nagreklamo sa himpilan ng pulisya matapos na umano’y ma-carnap ang kanyang motorsiklo sa tapat ng tindahan sa Zamboaga City habang sila ay may binibili.
Sinabi naman ng pulisya na sinisikap nito na madakip ang carnapper at mabawi ang motorsiklo ni SPO1 John Lewis na naka-destino sa Regional Police Office dito.
Ayon pa sa parak, kapapasok lamang nito sa Lucky 7 Store nitong Biyernes ng umaga upang bumili at ipinarada ang motorsiklo sa labas, ngunit laking gulat na lamang nito ng maglaho parang bula ang kanyang Honda XRM. Wala rin umanong nakakita sa tumangay ng motorsiklo, ani Lewis. Malapit lamang sa himpilan ng pulisya ang naturang tindahan sa Barangay Tetuan.
Sa naturang barangay rin nawalan ng motorsiklo si Noel Arceo. Sinabi nito na bumibili lamang siya ng gamut sa botica sa Yubenco Mall na ilang metro lamang ang distansya sa himiplan ng pulisya, ng ma-carnapped ang kanyang Honda Wave. Kulang rin ang security guards ng mall sa kabila ng maraming mga shops at restaurants doon at wala rin CCTV.
|
Talamak ang nakawan ng motorsiklo sa Zamboanga at maging mga helmet na nakasabit sa mga ito ay pinipitik rin at ibinibenta sa Facebook. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
No comments:
Post a Comment