FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, October 29, 2017

Marawi war victims, nakauwi na sa wakas!

MARAWI CITY – Pinayagan na ngayon ng militar na makabalik sa Marawi City ang halos 4,000 mga residente matapos na ma-clear ng mga tropa ang ibat-ibang barangay doon mula sa mga pampasabog na iniwan ng ISIS.
Tumagal rin ng 5 buwan ang sagupaan sa Marawi matapos itong okupahan ng ISIS noon Mayo 23 sa pagtatangkang gawin ito bilang lalawigan ng Islamic State sa Mindanao. Hindi naman makapaniwala ang mga residente sa kanilang nadatnan sa pag-uwi dahil wasak na wasak ang mga gusali at iba pang istraktura doon dahil sa walang humpay na pambobomba ng militar.
Tanging luha at hagulgol na lamang ang makikita at maririnig sa mga nagsibalik sa kanilang lugar, particular sa Barangay Basak Malutlut. Ang iba naman na buo pa ang bahay ay halos wala naman natira sa loob dahil pinagnanakaw na.
Wala rin kuryente at tubig sa lugar dahil halos wasak lahat ang mga gusaling nagpapatakbo sa mga ito. Mistulang garrison pa rin ang lugar dahil sa dami ng mga sundalong nakabantay doon.
Humihingi naman ng tulong sa Pangulong Rodrigo Duterte at kay Governor Mujiv Hataman ng magulog Autonomous Regio in Muslim Mindanao, ang mga residente upang muling makabangon.
Hindi pa mabatid kung bakit hindi isinasama ni Duterte si Hataman sa mga pulong nito ukol sa Marawi mula pa ng magsimula ang gulo. Si Hataman, na isang Liberal Party member, ay matalik na kaibigan ni dating Pangulong Benigno Aquino a siyang naglagay sa kanya sa puwesto bilang governor bago ito inalagaan ni Aquino sa kanyang kandidatura. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper


No comments:

Post a Comment