FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Monday, November 27, 2017

Duterte, dumalo sa BBL summit ng MILF

MAGUINDANAO CITY – Nagpakita ng puwersa ngayon ang Moro Islamic Liberation Front sa summit nito ukol sa Bangsamoro Basic Law na dinaluhan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao province.
Dumating si Duterte dakong alas 4 ng hapon sa naturang summit na dinaluhan ng halos isang milyong mga rebelde at supporters ng MILF upang isulong ang BBL na ngayon ay nakabinbin sa Kongreso.
Sinabi naman ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na lubhang mahalaga ang BBL dahil ito ang hinihiling ng mga Muslim sa Mindanao. Nagtungo umano si Duterte sa summit upang hingin ang suporta upang maipasa ang BBL at tuluyang maging batas.
“Kung matatandaan natin ang Bangsamoro Basic Law ay hindi pumasa sa Kongreso noon nakaraang administrasyon. Ito ay nirebisa natin and this was revised by the Bangsamoro Transition Commission, ito na ngayon may bago na at ito ang dadalhin sa Kongreso. Ang Bangsamoro who gathered there is very supportive. Ito na bale ang pagpapatupad ng perace agreement with the MILF na meron rin tayong Ganyan noon sa Moro National Liberation Front. Very historic ito at nandiyan ang MNLF at MILF,” ani Esperon.
Ito rin ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at ibinunyag na ilang beses na naunsyami ang naturang summit dahil hindi umano available ang Pangulo na noong nakaraawang buwan pa sana ito naisagawa.
“Matagal ng pinalano ito nina (MILF Vice Chairman Ghazali) Jaafar at (MILF chieftain Murad Ebrahim) Murad. Napuspon ito ng ilang beses dahilm hindi available si Presidente at noon pa sana isang buwan yan. Mabuti naman at natuloy na ngayon. Importante ito kasi lahat ng stakeholders sa BBL andiyan yun galing sa Jolo, Basilan, Mindanao, at Maguindanao,” wika pa ni Lorenzana.]
Mahigpit ang seguridad kahapon sa lugar at pinutol pa ang lahat ng cell phone signal sa iba’t-ibang lugar upang masiguradong hindi magagamit ng mga terorista ang service kung may plano silang isabotahe ang summit.
“In compliance with the National Telecommunications Commission's order, there will be a temporary loss of mobile signal in Cotabato City, Sultan Kudarat, and Parang, Maguindanao; Pigkawayan, Aleosan, Libungan, and Midsayap, Cotabato; Bansalan, and neighboring areas today, from 3:30 PM to 5:30 PM. We'll let you know once our signal has been fully restored,” abiso pa ng Globe Telecom sa mga subscribers nito.
Kasama ni Duterte sa entablado ang mga lider ng MILF na sina Ebrahim at Jaafar, gayun rin sina Esperon at Lorenzana, si Harry Roque, ang tagapagsalita ng Pangulo, at Martin Andanar, ng Presidential Communications Office, at sina Jesus Dureza, ang peace adviser; at Yusop Jikiri, lider ng isang paksyon ng MNLF. Kapuna-puna naman na wala sa entablado si Mujiv Hataman, ang gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, na kapartido ni dating Pangulong Benigno Aquino.
Nagpasalamat naman si Ebrahim sa pagdalo ni Duterte at iba pang mga delegado, kabilang ang diplomatic corps at ang Senate President, House Speaker at Chief Justice. Umikot ang talumpati ni Ebrahim sa paghingi ng suportang maipasa ang BBL sa Kongreso at maisakatuparan ang matagal ng minimithi ng mga Muslim – ang sariling estado sa bansa. 

Samantala,  idiniin ni Duterte na hindi nito papayagan na magkakawatak-watak ang Mindanao at dapat ay isang pamahalaan lamang ang sentro ng gobyerno. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper


No comments:

Post a Comment