FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, November 25, 2017

Police ops pinaigting vs. hired killers

PAGADIAN CITY – Pinaigting ng pulisya ang kampanya laban sa mga gun-for-hire bilang bahagi ng operasyon ng awtoridad kontra kriminalidad sa Mindanao.
Mismong si Chief Superintendent Billy Beltran ng Western Mindanao Police Office ang nagbigay ng kautusan sa pulisya na pagibayuhin ang kampanya laban sa mga kriminal, partikular ang mga “riding in tandem.”
Kamakailan lamang ay isang hinihinalang hired killer ang napatay ng mga parak sa bayan ng Sindangan sa Zamboanga del Norte matapos na makipagbarilan ito sa Barangay Balok. Ngunit nakatakas naman ang kasamahan nito na ngayon ay pinaghahanap pa rin.
Nakilala naman ang napaslang na si Rene Carcillas, 49, at taga-Barangay Diquis sa katabing bayan ng Manukan. Natiyempuhan umano ng mga nagpapatrulyang parak ang dalawang lalaki na magka-angkas sa isang motorsiklo at kahinahinala ang mga kilos. At ng sitahin ay bigla umanong bumunot ng .45-kalibre si Carcillas at nakipagbarilan ito sa mga miyembro ng Regional Public Safety Battalion hanggang sa mapatay.
Dito na rin nakasibat ang driver ng motorsiklo. Nabawi pa kay Carcillas ang P5,000 at dalawang larawan – isang lalaki na nakilalang si Joselito Rabulan na isang merchandiser ng Nestle, at babaeng si Maricel Amor, at larawan ng kalye sa lugar. Nakasulat ang mga pangalan sa larawan mismo at pinaniniwalaang target nina Carcillas.
Nakalagay rin sa larawan ang araw at kung kailan at saan tumatambay ang mga nasa litrato.Nakuha rin ang isang cell phone mula sa bangkay ni Carcillas at sinusuri na ito ng pulisya upang mabatid kung sino ang mga kliyente nito. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper


No comments:

Post a Comment