FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Wednesday, May 20, 2020

Higit P100,000 halaga ng smuggled na kahoy, nakumpiska sa Rosario, AgSur

SA ISANG retrieval operation kasama ang militar at Philippine National Police (PNP), nakumpiska ng mga kawani ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang 42 piraso ng illegally-cut lauan flitches o kahoy na nagkakahalaga ng P118,625.
Natuntun ito sa libilib ng Sitio Kosep, Barangay Bayugan 3 sa Bayan ng Rosario, Agusan del Sur.
Ayon kay CENRO Jerome Albia ng Bunawan, Agusan del Sur, ang mga nakompiskang lauan na kahoy ay nasa kanilang kustodiya na ngayon sa barangay kalingayan sa bayan ng bunawan.
Pinasalamatan din ni Albia ang kawani ng Municipal Environment Office dahil sa kanilang aktibong partisipasyon sa isinagawang retrieval operation.
Binigyang-diin din niya ang suportang ipinakita ng mga mamamayan sa nasabing komunidad na may malaking kontribusyon sa matagumpay na operasyon.
Samantala, ayon naman kay Regional Executive Director Atty. Felix Alicer ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Caraga, inutos na niya ang agarang imbistigasyon dito at nang makasohan ang nasa likod ng ilegal na gawaing ito.
Dagdag ng opisyal, mula Enero hanggang Abril ngayong taon, nasa mahigit 200,000 board feet ng illegally-cut logs at lumber products na ang kanilang nakumpiska at ito ay aabot na sa mahigit P8-milyong halaga.
Kasabay nito, may 23 kaso na ang nai-file sa korte kung saan 40 na indibidwal ang humaharap sa mga kasong ito dahil sa paglabag nila sa forest protection laws ng bansa.(By Jennifer P. Gaitano)


No comments:

Post a Comment