NORTH COTABATO – Nahaharap sa kasong kriminal ang isang 72-anyos na lalaki matapos nitong patayin sa saksak ang kanyang 70-anyos na asawa dahil lamang sa isang halik na tinanggihan ng biktima.
Nabatid sa pulisya na humingi umano ng halik si Lolo Leonardo Tuadles sa kanyang maybahay na si Lola Leonidez Tuadles sa kanilang bahay sa Purok 10, Barangay Poblacion sa bayan ng Makilala ngunit tumanggi umano ang biktima.
Nauwi umano sa pagtatalo ng dalawang matanda ang simpleng halik na hinihingi ni Lolo hanggang sa mauwi ito sa pananaksak sa lobb mismo ng kanilang kuwarto.
Batay sa salaysay ng kanilang apo, dakong alas 3:30 ng hapon ng matagpuan nito na nakahandusay na sa sahig ang dalawang matanda at naliligo sa sariling dugo dahil sa tama ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan.
Lumalabas din sa imbestigasyon ng mga pulis na nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang mag-asawa sa nakalipas na mga araw bago pa man ang insidente.
Sa pahayag naman ni Lolo, hindi umano pumayag ang kanyang misis na halikan siya at dito na ito nagalit at kumuha ng panaksak at saka inundayan ang asawa. Nawala umano sa kanyang katinuan si Lolo at huli na mamalayan nito ang nagawa. (Rhoderick BeƱez)
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates





No comments:
Post a Comment