NORTH COTABATO - Naglaan ng pondo ang provincial government ng North Cotabato upang makatulong mga magsasaka sa susunod na cropping season ng palay ngayong patuloy pa rin sa pagbaba ang presyo nito.
Ang pagsadsad ng presyo ng palay ay nagtulak sa
ilang mga magsasaka na magtanin na lamang ng saging upang kumita at mai-ahon sa
gutom ang kanilang pamilya.
Ito rin ang kinumpirma ni Provincial Agriculturist
Sustines Balanag na nagsabing may mga rice farmers sa bayan ng Tulunan, Magpet,
Kidapawan City at iba pang lugar sa Cotabato ang napilitang lumipat sa
pagtatanim ng saging dahil sa napakababang presyo ng palay.
Hindi naman agad makuha ang kasalukuyang presyo ng
palay. Wala naman epekto sa produksyon ng bigas ang paglipat ng mga magsasaka
sa pagtatanim ng saging dahil marami pa rin ang nagsasaka, giit ni Balanag.
Ngunit naglunsad naman ang provincial government ng
food security program upang makatulong sa mga maliliit na magsasaka. Hindi
naman sinabi ni Balanag kung magkano ang ibinibigay sa mga magsasaka.
Dahil sa tag-ulan ay dagdag problema na rin ngayon
ang mga drying facilities sa probinsya. Sinabi naman ni Balanag na namimigay
sila ngayon ng trapal sa mga magpa-palay, gayun rin ang mga fertilizers bilang
tulong. (Rhoderick BeƱez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates
No comments:
Post a Comment