KIDAPAWAN CITY – Suportado ni North Cotabato Governor Nancy Catamco ang desisyon ng pamahalaang Duterte na tuparin ang kahilingan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) na ipaubaya na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Ministry of Interior and Local Government (BARMM-MILG) ang 63 barangays sa lalawigan, kabilang na ang Cotabato City.
Kamakalawa lamang ay pinangunahan ni Interior Secretary Eduardo Año ang naturang handover ng mga barangay sa BARMM. Kasama ni Año sina DILG Regional Director Josephine Leysa, Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Police Chief General Debold Sinas, Western Mindanao Chief General Corleto Vinluan Jr.
Dumalo rin bilang kinatawan ni Catamco si Provincial Administrator Efren Piñol.
Ang handover ng mga barangay ay base na rin sa probisyon ng Republic Act 11054 o ang Bangsamoro Organic Law (BOL) matapos ang isinagawang plebisito noong nakaraang taon.
Nililinaw ni Año na ang handover ng mga control sa barangay ay naghuhudyat na ang katungkulan kaugnay sa promosyon at pagtiyak ng kahusayan, kapayapaan, proteksyon sa publiko, pagpapalakas ng kakakayanan ng lokal na pamahalaan ay nasa pamamahalan na ng BARMM-MILG.
Pinuri at nagbigay pugay si Lorenzana
sa buong kawani ng BARMM sa kinahinatnan ng pagkilos upang maisulong ang
mithing pagbabago. Subalit, ayon kay Lorenzana, mas malaking hamon ang pagtutok
sa paraan kung papaano ito ipapatupad, maging epektibo sa paghahatid ng
serbisyo, at matiyak na matamasa ito ng mga mamamayan. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates
No comments:
Post a Comment