FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, December 10, 2020

Makukulay na parol, available na!

NANAWAGAN SA publiko si Mayor Beng Climaco na suportahan ang mga nasa loob ng Zamboanga City Reformatory Center at tangkilikin ang kanilang mga makukulay na parol.

Sa kabila ng Covid-19 pandemic at sa umiiral na community quarantine guidelines at health protocols, sinabi ni Climaco na bagama’t bawal ang mass gathering ay makakatulong umano ng malaki ang pagkakaroon ng Christmas display sa bawa’t tahanan. 

Kung kaya’t sa pakikipag-koordinasyon ng lokal na pamahalaan at ng Zamboanga City Reformatory Center, maaari ng makabili ng mga parol sa ibat-ibang hugis na ginawa ng mga bilanggo. Ngunit mahigpit ang bilin ni Climaco sa mga nais na bumili ng mga parol na kailangan makapag-ugnayan sa Zamboanga City Reformatory Center upang masigurong masusunod ang health protocols. 

“Let us bring yuletide cheersto  to persons deprived of liberty at the City Reformatory Center by patronizing their handcrafted lanterns. Amid the pandemic, there is still Christmas, a season of thanksgiving, a season of joy and a season of hope. Maga estrella de esperanza, hacido con todo corazon, in various colors, shapes and sizes, are now available,” ani Climaco.

 

Makikita rin sa Facebook (ZamboangaCJ MaleDorm) ang mga disenyo ng ibat-ibang parol na nagkakahalaga ng mula sa P60-P1,500. (Zamboanga Post)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates




No comments:

Post a Comment