KORONADAL CITY – Mahigit sa isang dosenang mangagagawa ng Koronadal City Hall ang nag-positibo umano sa Covid-19 at agad na isinailalim sa isolation ang mga ito upang ma-kontrol ang pagkalat ng sakit.
Sinabi ni City Health Officer Dr. Edito Vego na posibleng nakuha ng mga empleyado ang virus sa kanilang pakikisalamuha sa ibang mga tao at posibleng maging sa tahanan.
Ilang beses na rin nagpaalala ang City Health Office sa publiko na maging maingat sa sarili at sundin ang health protocols kabilang ang pagsuot ng face masks at face shield at palagiang maghugas ng mga kamay o kaya ay mag-disinfect. (Rhoderick BeƱez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates





No comments:
Post a Comment