INAMIN NI Pangulong Duterte na wala itong magagawa sa patuloy na pagtaas ng bilang ng Covid-19 sa bansa dahil rin umano sa walang humpay na paglabag sa health protocols ng mga mamamayan.
“Ngayon, alam ko na galit kayo. Magalit na lang kayo sa akin kasi wala man talaga akong magawa. Iyang virus na ‘yan lumilipad ‘yan sa hangin. Eh kung kausap mo ‘yong may virus, na ma-virus ka rin. Iyan ang problema diyan sa Covid-19 virus,” ani Duterte.
“So sumunod na lang muna kayo tutal para man ito sa lahat. Ako, I would be the last --- ako ‘yong pinakahuling tao na mag-istorbo sa buhay ninyo. Sabi ko nga eh, I want the people to be comfortable. So sometimes you have to interdict or intervene because it is of national interest. But ibig sabihin para sa, for the good of all, ano ‘yan eh tawag nito? Iyong health hazard. So sumunod na lang tayo sa lahat para at ang --- tignan ko kung anong magagawa ko sa paghihirap ng tao, how we can mitigate ang pang-ano sa tao sa kahirapan,” dagdag pa nito.
Ayon kay Duterte, tanging bakuna lamang ang kasagutan sa lumalalang sitwasyon ng Covid-19 sa bansa.
“From a distance, nakikita ko talaga. And every time I see people violating the law, I would just say to whoever is seated next to me, sabihin ko, ‘Tignan mo ito, tomorrow there will be a spike again.’ And true enough. And it will never be an ending story until all Filipinos are vaccinated,” sabi pa ng Pangulo.
“There will always be a rise and maybe exponential ang takbo ng Covid-19 sa Pilipinas
kapag hindi kayo sumunod ng batas. You know, this is not only a medical issue. It is now of national interest and maybe the survival of the Filipinos. I would like to be somebody governing, but not really unnecessarily going to the extreme. But apparently not all, but there are a lot of you out there violating and violating and repeatedly violating the laws,” dagdag pa ni Duterte.
Sa kasalukuyan, isinailalim ni Duterte sa Modified Enhanced Community Quarantine ang mga sumusunod na lugar: National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Region II: Santiago City sa Isabela, Quirino, at Abra. At General Community Quarantine naman sa Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Cagayan, Isabela, (Nueva Vizcaya), Batangas, Quezon, Tacloban, Iligan City, Davao City at Lanao del Sur. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates





No comments:
Post a Comment