NORTH COTABATO – Patay ang isang barangay kagawad matapos itong pagbabarilin ng mga armadong sakay ng motorsiklo sa bayan ng Midsayap.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Parocan Luntayan Dilangalen, 51, at konsehal ng Barangay Bual Sur. Pinaniniwalaang away sa lupa ang motibo ng pamamaslang, ngunit patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso upang mabatid kung sino ang mga salarin at utak sa krimen.
Sinabi ni Midsayap Police Chief, Lt. Col. Rolly Oranza, na papauwi ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo nang dikitan ito ng 2 armadong nakabuntot sa kanya at saka pinutukan ng .45-kalibre pistola kamakailan lamang.
Sa dibdib umano tinamaan si Dilangalen na naisugod pa sa pagamutan ng mga rumesponde sa kanya. Pinaniniwalaang mga hired killers ang tumira sa biktima. (Rhoderick BeƱez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates
No comments:
Post a Comment