FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, August 1, 2021

Bawal lumabas ng bahay!

MATAPOS NA tawaging “sira ulo” o “buang” at “anti-social” ang mga taong tumatanggi sa bakuna, nais naman ngayon ni Pangulong Duterte na pag-bawalan lumabas ng bahay ang mga taong hindi bakunado – ito ay kahit pa na kulang ang supply ng Covid-19 vaccines ng bansa sa kabila ng malaking halaga ang inutang ng pamahalaan para dito.

“Now ito ngayong ayaw magpabakuna, sinasabi ko sa inyo huwag kayong lumabas ng bahay kasi ‘pag lumabas kayo ng bahay, sabihin ko sa mga pulis eh ibalik ka doon sa bahay mo. You will be escorted back to your house because you are a walking spreader,” ani Duterte. 

“Walang katapusan ito kung pagbigyan ko lang kayo. ‘Pag mahina ang loob ko dahil mag-iyak-iyak kayo diyan, eh ibang istorya ito. Bayan itong pinag-uusapan natin kaya kung ayaw ninyong makatulong by having the vaccines, eh ‘di huwag na lang kayong lumabas ng bahay. It behooves upon really the barangay captains. Trabaho talaga ng barangay captains iyan eh to go around to see who are vaccinated and who are not, and to give the appropriate warning that they should not be going around because they are throwing viruses left and right,” dagdag pa ng Pangulo. 

Pinagiisipan rin ni Duterte kung ano ang mga dapat ikaso sa mga taong hindi bakunado, ngunit naunang sinabi nito na ipakukulong niya ang mga ito. 

“We have to come up with a law punishing a guy, a person, who has not been vaccinated and going around. We do not have a law, a punitive action that can be taken against the person who does not have the vaccine and go around, making it dangerous for the others to acquire the virus,” wika pa ng Pangulo.

“Kaya siguro pagkaganun, ang mga barangay captain na lang, 'pag ayaw nilang magpabakuna, huwag mo silang palabasin ng bahay. Ganoon ang ano niyan. Eh wala tayo, defenseless tayo eh. Eh sabihin natin walang batas. Ehm, maghintay pa ba ako sa batas kung marami na naman ang mamamatay? Iyan ang problema. There is no law, but the law of necessity is there. Kaya (kung) ayaw mong magpabakuna tapos, eh sabihin ko na ako na mismo ang sasagot niyan. Kung may -idemanda, ako na. Iyan ang utos ko, ibalik ka doon sa bahay mo. I assume full responsibility for that,” dagdag pa ni Duterte.

Kamakailan lamang ay ipinag-utos ni Duterte sa pulisya at militar ang pagpapatupad sa mas mahigpit na health protocols bunsod ng ulat na may Delta variant na sa bansa. Una itong naghasik ng kamatayan sa India at ngayon ay kalat na sa buong mundo at maging sa katabing bansa ng Malaysia at Indonesia at dominant variant na rin ito.

“I urge the DILG and the PNP to implement the existing protocols with greater urgency and necessity. It is only by imposing these restrictions that we can fight the threat of Delta variant. Now, remember that the reason why the security forces of the government are very strict is not because they want to be strict and they want to make it hard for the people move rather they are strict because they want to protect the country from a very contagious disease and maybe cause more deaths more than the lives that we lost in the past,” ani Duterte. (Mindanao Examiner)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates




No comments:

Post a Comment