FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, August 13, 2021

FACE OFF!

‘Pahayag ni Duterte inalmahan ng publiko’

UMANI NG matinding batikos ang Pangulong Duterte mula sa publiko matapos nitong lait-laitin at maliitin ang posibleng presidential candidate na si Manila City Mayor Francisco Domagoso o mas kilala sa pangalang “Isko Moreno” at “Yorme.”

Bagama’t hindi binanggit ni Duterte ang pangalan ni Isko sa kanyang mga banat ay marami naman ang naniniwalang target nito ang nasabing pulitiko na galing sa mahirap na pamilya at nagsumikap hanggang sa maging artista at kalaunan ay alkalde ng Maynila.

Manila Mayor Isko Moreno

Ito ang sinabi ni Duterte: “Kayong mga Pilipino, huwag kayong magpaloko diyan sa mga pa-drama magsalita pati kung...nakita ko nga sa Facebook kanina, lahat nang…naka-bikini ang gago tapos may isang picture pa doon na sinisilip niya ‘yung ari niya. Iyan ang gusto ninyo? Ang training parang call boy. Naghuhubad, nagpi-picture, naka-bikini tapos ‘yung garter tinatanggal niya, hinila niya tiningnan niya 'yung... Dapat magsama sila ni Paredes,” ani Duterte sa kanyang virtul presser kamakailan lamang. 

“Ganoon, ayan tingnan ninyo sa Facebook, nandiyan ‘yung mga picture niya tapos ‘yung sinisilip niya ‘yung por... Iyan ang training ng presidente, maghubad at magpa-picture at magsilip, magyabang sa kanilang ari kagaya ni Paredes, pati itong gagong ito,” dagdag pa ng Pangulo. 

Hindi rin binanggit ni Duterte kung sino itong si Paredes, ngunit matatandaang may video scandal na lumabas noon na nagpapakita sa isang celebrity na mistulang nagsasalsal habang nakalabas ang dila. 

Matunog ang pangalan ni Isko at sa magandang pamamalakad nito sa Maynila at posibleng bumangga sa anak ni Duterte na si Davao City Mayor Sara Carpio na sinasabing tatakbo sa pagka-Pangulo sa susunod na halalan. 

Halos lahat ng mga posibleng kandidato sa pagka-Pangulo ay binanatan ni Duterte sa kanyang mga virtual presser at kabilang na dito sina Vice President Leni Robredo at Senator Manny Pacquiao. Pinagmumura at ininsulto rin sila ni Duterte. 

Umani naman ng simpatya si Isko sa mga pahayag ni Duterte na kilalang galing sa mayamang angkan. Matindi rin ang banat ng mga Netizens kay Duterte dahil sa pagiging pala-mura nito at maging ang Diyos at Santo Papa ay minura nito, at ang diumano’y pambabastos nito sa mga babae. 

Ipinagtanggol rin ni Cavite Governor Jonvic Remulla si Isko sa pang-aalipusta ni Duterte. 

Sa kanyang Facebook post, ito ang sinulat ni Remulla: “Mainit na usapin ngayon ang para bagang bigla na lamang panggigipit at pilit na pang-aalipusta sa butihing Alkalde ng Maynila. Kasama na rin dito ang pagyurak ng mga nakakataas sa kanyang pagkatao.

Kahit kailanman ay hindi ipinagkaila ni Yorme ang kanyang nakaraan. Siya ay batang Tondo at nagsimula sa wala. Isang kahig, isang tuka. Noong dekada ’90, siya ay sumabak sa larangan ng showbiz bilang si “Isko Moreno.” Malamang ay marami sa inyo ang nakakaalala sa That’s Entertainment. Sa palagay ko, ang nais lamang ni Yorme noong mga panahon na iyon ay ang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan. Dahil sa kanyang pag-aartista, hindi maiiwasang maraming sensitibong larawan ang nagkalat sa internet ngayon. Ngunit lahat ng ito ay kuha noong siya ay nagsisimula pa lamang.” 

“YORME DID NOT DO THOSE PROVOCATIVE POSES WHILE IN OFFICE AS A RESPECTED COUNCILOR, VICE MAYOR OR AS THE CURRENT MANILA MAYOR. He was very young then. I am sure the limelight was quite tempting for a young lad from a very poor background. And why not? The opportunity for him to earn a living was readily available. To not take advantage of such privilege would have been foolish. Kung ako ang tatanungin ninyo? Hindi ito isyu. What’s important is that Yorme NEVER LIED, DID NOT STEAL, KILL nor did he ever bring shame to the great people of Manila as a Public Servant,” dagdag pa ni Remula. 

Sinabi pa ni Remulla na ang paghatol sa kalaban sa pulitika ay dapat tungkol sa kanyang kakayanan bilang “Serbisyo Publiko” at hindi paninira lamang base sa kanyang nakaraan o noong siya ay bata pa. 

“Wala naman siya sa kapangyarihan o posisyon noong mga panahon na iyon. Hindi tama na tapak-tapakan ang nakaraan, paninindigan at reputasyon ng isang taong wala namang kalaban-laban. Ang paghuhusga ay ilaan na lamang po natin sa mga taong lumabag sa batas o siyang mga nag-traydor sa bayan. Yorme did not break any laws by joining showbiz in his youth nor by posing sexy in photos. Eh kung sexy lang din ako at pogi noong araw? Ala-Richard Gomez? Malamang nag-showbiz na din ako (joke lang po at hindi naman ako marunong umarte. Anyways, Yorme should not be judged on such juvenile merits.  Let his record of governance speak for itself,” wika ni Remula. 

Ipinagtanggol agad ng Malakanyang si Duterte at sinabing hindi ito nagbanggit ng pangalan. (Mindanao Examiner)



No comments:

Post a Comment