MATAPOS NA sabihing ipakukulong at hindi palalabasin ng bahay ang mga taong ayaw magpa-bakuna, nais na ngayon ni Pangulong Duterte na makisalamuha sa publiko dahil sabik na umano itong mayakap ang taong bayan.
President Rodrigo Duterte |
“Sabihin ko sa mga tao, sa mga
mayors, gusto ko silang makilala, gusto ko silang yakapin bilang Pilipino. Ang
problema, ang itong putang ina itong Covid na ito. It has
hampered governmental, everything, operations, lahat. So hindi nga natin makaharap… kasi itong mga doktor ko, ayaw akong palabasin,” ani Duterte.
Inutusan rin ni Duterte ang dating alalay at ngayon Senador Bong Go na kausapin ang mga duktor upang siya ay makalabas ng Malakanyang.
“So ganito na lang siguro, Bong, sabihan mo 'yung doktor, mag-face mask lang ako, doblado, tapos magsuot ako ng shield, doblado,” wika pa ng Pangulo.
Sinabi ni Duterte na magpa-plano ito upang makalabas at mabisita ang mga tao. “Gusto kong pumunta, magpa-plano ako. Nandiyan naman siguro 'yung doktor ko, tawagan ko. Magplano ako, sabihin ko sa kanya huwag mo akong pilitin, Dok, na hindi makalabas kasi 'yung mga tao gusto akong makita.”
“Sabi nila sa virtual lang happy na sila. Bahala na ang Diyos sa akin kung anong mangyari. Kung dadapuan ako ng Delta, wala na. Nandiyan naman si Leni Robredo ang sa succession. Eh ‘di kahit sa kanya na. Pag iyan ba ang suwerte ko sa pagsisilbi ng tao, mamamatay ako, eh di mamamatay ako. Lahat naman tayo dito may panahon-panahon sa mundo,” ani Duterte.
Sinabi pa ng Pangulo na kailangan
matugunan ang pangangailangan ng mga tao at mas malaking pondo pa umano ang
dapat na ilabas ng pamahalaan. “Ang importante na ma-satisfy mo ang tao. Sabi
nila na kung may mga maliliit na problema, we can solve it immediately and, of
course, 'yung malalaki kailangan malaki ang pera, we have to work with
Congress,” ayon pa sa Pangulo. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment