MATAPOS SINDAKIN at pagbantaan ni Pangulong Duterte ang International Criminal Court (ICC) dahil sa patuloy nitong imbestigasyon sa di-umano’y extrajudicial killings sa ilalim ng kasalukuyang administrastyon, paghahandaan na umano nito ngayon ang kanyang depensa.
Ginawa
ni Duterte ang pahayag matapos nitong i-anunsyo ang kanyang pagreretiro sa
pulitika. Hindi na ito tatakbo sa pagka-bise presidente matapos na lumabas sa
surveys ang pagbagsak ng popularity ratings nito.
Presidente Rodrigo Duterte |
Ngunit sa kabila nito ay tinulak naman ni Duterte ang kanyang dating alalay na si Senador Bong Go na tumakbo sa pagka-bise presidente at ang anak nitong si Davao City Mayor Sara Carpio ang running mate sa pagka-presidente.
“Simple lang, ayaw nila (mga
Pilipino) ako maglaro pa ng pulitika. Gusto nila umuwi na ako sa Davao at
maghintay ako sa maraming si, dada nang dada diyan ng kaso. Hintayin ko kayo. I
will prepare for my defense na ‘yung ICC na 'yan pati 'yung anong ano...huwag
lang kayong magsinungaling. Kung totoo lang, tutal may record naman. Huwag kayong
mag-imbento na 'yung namatay ng malaria diyan pati icha-charge ninyo sa akin. Kalokohan
na 'yan. Hindi na justice ang hinahanap ninyo niyan. Ibigay ko sa inyo. Hindi
ko kayo tinatakot. Huwag lang ninyo akong dayain sa ebidensya. At sabi ko naman
sa --- before I forget, maraming mga pulis diyan, pati opisyal, they are scared
baka ano daw ang mangyari sa akin,” ani Duterte.
“Sabi ko, ang tigas ng ulo ninyo. Hindi ba
sinabi ko, anything na ginawa ninyo in the prosecution of the drug war for as
long as you obey the law, I will protect you, akin ‘yan, akin, hindi inyo. Ako
ang sasagot niyan at kung may magkulong man, ako na ang magpakulong. Pagpasok
ko sa presuhan sa umaga, sa gabi paalis, dalhin ninyo ako doon sa likod at
umuwi na ako sa bahay. Alang-alang… Sino bang gagong magpakulong ng ano? Iyong
ICC, ang kaharap ko puro mga puti, mga putang ina ‘yan. Pilipino ako, hindi ako
international body. May sarili kaming judicial system dito. Huwag kayong
makialam. At saka sinabi ko, you never acquire jurisdiction over my person.
Iyan talaga ang totoo maski anong baliktarin ninyo. Maski ‘yang ICC, maski
'yang dito. Kung i-base mo, ‘yung bisa ninyo diyan lang sa ‘yung... wala ‘yan,”
dagdag pa ng Pangulo.
Ibinibintang ng mga human rights groups ang mga pamamaslang ng mga hinihinalang drug users at pushers sa “war on drugs” ni Duterte.
Naunang sinabi ni Duterte na hindi ito makikipag-cooperate sa ICC at makikipaglaban ito upang masalba ang sarili sa mga kaso.
“Alam mo kung gusto talaga ninyo akong...It’s over my dead body. Makuha ninyo ako, dalhin ninyo ako doon sa Netherlands patay. You will have a carcass. Hindi ako pupunta doon buhay, mga ulol. Pero ‘'pag nakita ko kayo dito, na unahan ko na kayo. Mga letse kayo,” ani Duterte.
“Ito namang Human Rights...ipalagay na natin totoo ‘yang sinabi ng human rights, putang ina, sinong nakinabang diyan? Ako? Ako ang nakinabang? Pamilya ko? Nakinabang sila diyan sa putang inang mga patay na ‘yan? Sino? Sinong nakinabang? Kayo, ang anak ninyo, ang bayan natin ang nakinabang,” panunumbat pa ng Pangulo.
Sinabi ni Duterte na nalalagay umano sa alanganin ang buhay niya at ng kanyang pamilya dahil sa kanyang kampanya kontra droga dahil posibleng gumanti ang mga nasa likod nito. Siya umano ang nahihirapan ngayon, ngunit ang nakikinabang naman daw ay ang publiko.
“Sino nalagay sa alanganin? Ako, pamilya ko, ‘yung buhay nila, gaganti ‘yang mga yawa na ‘yan. Eh hindi naman ako milyonaryo na may isa akong squad diyan sa likod nagbantay. Ako pa ang napo-problema ngayon, puta, ako. Ang nakinabang kayo, kayo mga Pilipino sa totoo lang,” wika pa ni Duterte.
Pati ang Estados Unidos ay dinamay na rin ng Pangulo at tila ipinapahiwatig nito na huwag maki-alam sa mga kasong ibinibintang sa kanya. Ipinaalala pa ni Duterte sa Amerika na marami rin itong human rights abuses at maging sa ibat-ibang panig ng mundo.
“I'd like to say something about the, itong State Department. Be careful. Be careful of what you are planning or doing there because you yourself, your country is guilty also of so many violations of human rights. Kung ma-address ninyo ‘yung mga historical kagaya namin dito; ‘yung historical injustice committed against the Moro people. Kaya nga kami nakikipag-areglo,” paliwanag pa ng Pangulo.
Dapat rin umano ilabas ng Amerika ang listahan ng mga human rights victims nito. “Walang listahan sa mga kriminal. Walang pinapakita nitong mga ganito. Bakit hindi niya ipakita ito? Anong ginagawa sa tao ng mundo? At ‘'yung mga listahan sa mga pinatay, bakit listahan lang sa pinatay ng mga kriminal? Sagutin nga ninyo ako diyan,” dagdag pa ni Duterte.
Pinatutsadaan naman ni Senadora Leila De Lima ang mga sinabi ni Duterte at sinabing nitong baluktot ang pagiisip o wala sa tamang katinuan ang Pangulo. “Duterte thinks that his drug war is beneficial to the people when it is the very reason for their pain, suffering and trauma. Pinatayan ka na, gusto pa magpasalamat ka. What a twisted mind!” ani De Lima.
“Duterte and his family benefited from all these senseless killings in the country, not the Filipinos, and definitely not those innocent victims whose lives were lost, as well as the thousands of poor widows and orphans whose dreams were shattered, in this bloody and murderous war on drugs,” dagdag pa ni De Lima sa kanyang mga akusasyon laban kay Duterte.
Umapela rin si De Lima sa publiko na huwag maniwala sa mga pinagsasabi ni Duterte na ngayon umano ay takot na takot sa imbestigasyon ng ICC.
“This reality should be more than enough to remind us to not allow Duterte to brainwash anyone into believing that his drug war is good for us and that we should tolerate all these violence, because we should not, and we should never. Kahit ano pang sabihin ni Duterte, hindi na kailanman maibabalik ang libo-libong buhay na pinaslang ng drug war - mga inosente at walang kamuwang-muwang na mga bata at walang kalaban-labang maralita,” wika pa ni De Lima.
Fatou Bensouda |
Matatandaang tumiwalag ang Pilipinas
sa Rome Statute noong Marso 2018 matapos na maglunsad ang ICC
ng preliminary examination sa mga krimen na may kinalaman sa war on drugs
ni Duterte noong Pebrero 8, 2018. Ang Rome Statute ay ang founding treaty
ng ICC sa United Nations na kung saan ay kabilang ang bansa. Ang ICC ay nasa
Netherlands at itinatag ito noong 2002. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment