PUMALO NA sa 377,000 ang mga followers ni Mayor Beng Climaco sa kanyang Facebook page at patuloy itong tumataas habang papalapit ang halalan sa Mayo nitong taon.
Noong nakaraang Nobyembre ay nasa mahigit 370,000 ang Facebook followers ni Climaco at mataas kung ihahambing sa pinagsanib na bilang ng social media followers ng beteranong si Celso Lobregat at Rep. Mannix Dalipe.
Si Climaco ay nasa ikatlo at huling termino na at ngayon ay
tumatakbong congresswoman sa District 1 at inaasahang muling mananalo dahil sa
kanyang karanasan sa mahabang panahon sa pulitika.
Nanilbihan si Climaco bilang
councilor mula 1998-2004; vice mayor noong 2004-2007; at Congresswoman at Deputy
House Speaker for Mindanao mula 2007-2010 at 2010-2013, bago pa man naging
mayor noong 2013. Wala pa talo sa eleksyon si Climaco dahil sa taglay nitong
kagalingan at sinseridad sa serbisyo.
Si Lobregat ay tinalo ni Climaco
noong nakaraang halalan. Tanging si Climaco lamang ang nakatalo kay Lobregat
mula ng ito ay naging pulitiko – mayor at congressman ng ilang beses.
Suportado rin ni Vice Mayor Meng
Agan ang kandidatura ni Climaco. Si Agan ay tumatakbo rin bilang mayor sa
Zamboanga. Ikinatuwa naman ng mga taga-sunod ni Climaco ang desisyon ni Agan na
suportahan si Climaco. Todo naman ang pasasalamat ni Climaco kay Agan at sa
grupo nito.
Sinigurado naman ni Climaco na
ipagpapatuloy nito at lalong pagtitibayin sa Kongreso ang kanyang mga
nasimulan. Sa loob
ng kanyang panunungkulan, maraming nagawa o legasiyang maiwan si Climaco sa
Zamboanga kung ihahambing sa mga nakaraang administrasyon.
Kaliwa’t-kanan ang mga proyekto ng administrasyong
Climaco sa ilalim ng programang S.H.E. o ang “Security, Health at Education” na
siyang prayoridad nito. Sa kanyang panunungkulan ay nabawasan ng husto ang mga
krimen at nabigyan ng malaking halaga ang kalusugan ng mga mamamayan at
seguridad ng lungsod at dumami ang mga negosyo.
Maging ang
Pangulong Rodrigo Duterte at ang Department of the Interior and Local
Government at iba pang mga ahensya ng pamahalaan ay kinilala at binigyan ng
parangal si Climaco dahil sa kanyang maayos na panunungkulan at serbisyo sa Zamboanga.
Sa katunayan,
nitong Enero lamang ay pinuri ng DILG ang Climaco administration matapos na
pumasa ang pamahalaang lokal sa “2021 Good
Financial Housekeeping” dahil sa “exemplary performance in financial
administration.”
“Congratulations to the 2021 Good
Financial Housekeeping Passers in Region IX. We commend the LGUs for their
invaluable commitment to pursue an honest, transparent, accountable and orderly
management of public funds,” ani ng DILG sa pahayag nito.
Sinabi ng DILG na “ang Zamboanga
City government exhibited exemplary performance in financial administration
which covers the following criteria: Most recent available COA Audit Opinion is
Unqualified or Qualified for CYs 2019 or 2020; and compliance with Full
Disclosure Policy-posting of all 14 documents in three conspicuous places and
in the FDP portal for all quarters of CY 2020 and first quarter of CY 2021.”
Agad naman pinasalamatan ni
Climaco ang mga kawani ng pamahalaang lokal at ang malaking tiwala ng DILG sa
kanya.
“We thank the DILG for this and
all of this is made possible with the commitment of honesty and transparency in
governance. We thanked our department heads, the people working tirelessly at
City Hall and everyone who contributed in one or the other in making this a
reality. My commitment remains for the Zamboangueño people even beyond City
Hall,” ani Climaco sa panayam ng Zamboanga Post.
Maging ang mga
black propaganda at fake news na ikinakalat ng ilang mga grupo laban kay
Climaco upang ito ay siraan ay hindi rin umubra dahil sa mataas na suporta at
malaking tiwala sa kanya ng mga Zamboangueños.
At dahil sa mga
kasinungalingan na ibinabato kay Climaco ay lalo pang tumaas ang bilang ng mga
supporters at followers nito sa kanyang Facebook page.
Matatag at matibay ang ang Team
Climaco, ayon kay Climaco at mananatili umanong prayoridad ang kanilang serbisyo
sa publiko. “Team Climaco remains strong, united and committed to continue to
work hard in this pandemic- to heal the sick and feed the hungry - na favor de
Dios continua dale curada, comida y busca vida na tiempo de pandemia. Ciudad
antes de todo!” (Zamboanga Post)
No comments:
Post a Comment