FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, February 19, 2022

Bakuna, ituturok sa tainga!

BAGAMA’T BUMABABA na ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa buong bansa, muling nanawagan ang Pangulong Duterte sa publiko na magpa-bakuna at nagbanta na naman ito na ituturok sa tainga ang ayaw sa naturang gamot.

“Iyon lang paulit-ulit ako nakikiusap sa mga tao na ‘yun naman sana hanggang ngayon hindi pa nabakuna, huwag nilang pahirapan ang sarili nila balang araw, mga anak, and your neighbors of contaminating them pagka-tinamaan kayo. Kaunting sakripisyo ‘to, it could be because of your belief or just outright indifference.”

“Sabi ng iba, itong salitang bugoy, “Ah, walang mangyari niyan, kalokohan ‘yan.” Well, Science has proven, time and again, at it shows in our fight against Covid na talagang napigilan ‘yung surge. And hindi natin gustong babalik ‘yan kaya nakikiusap tayo na the only way to fight Covid really is still the fundamentals: you wash your hands; you wear your mask; avoid crowds if you can, but importante ‘yung mask. It has proven that it is very effective,” ani Duterte.

Inamin naman ni Duterte na hindi pa umaabot sa herd immunity ang bansa sa proteksyon kontra Covid-19 subalit patuloy naman ang pagbaba ng mga kaso. Nagbabala rin ang Pangulo na lubhang delikado pa rin ang Covid lalo na sa mga walang bakuna.

“The Covid is here and it can afflict everybody. No one is still safe. You have to avoid, wear a mask, and listen to what government says. And for those who are not yet vaccinated, pakibakuna lang. Kasi ‘pag hindi, ako ang pupunta diyan sa inyo, ituturok ko ‘yang bakuna sa tainga mo, palusutin ko doon sa kabila. Iyan ang dapat sa inyo eh,” wika ni Duterte.

“And I’d gladly do it because all of the things that I did, paulit-ulit na lang ako, hindi ito para sa akin kagaya ng bakuna, kung matusok ko ‘yan sa tainga mo. Ito para sa Pilipino para hindi ka makahawa. Kaya ako halos na lang lumuluhod na magpabakuna kayo para naman malayo tayo sa perdition. Hanggang ngayon, kakaunti lang naman, ubusin na natin lahat, let’s get over with this ano ninyo, magpabakuna kayo at maligaya ako. Ako ang sabihin ko lang, if there is something that would make me happy when I go out of this office, maligaya ako kung malaman ko na halos lahat nagpabakuna. And if the majority, mag-abot na ng milyon-milyon, umaabot na tayo ng milyon ngayon, pero mayroon pa kayong, sabi ng mga doon sa provincial reports na mayroon pa ‘yung mga tao na ayaw talaga,” paliwanag pa nito.

Ilang beses na nanawagan si Duterte sa mga ayaw magpa-bakuna, ngunit marami pa rin talaga ang hindi naniniwala sa gamot kontra Covid kahit pa libo-libo na ang mga nasawi. Karamihan sa mga ayaw magpa-bakuna ay mga naniniwala sa sabi-sabi o maling balita na nakakasama ang gamot sa katawan at may nagsasabi pa na magiging zombie ang nabakunahan o kaya naman ay masisiraan ng bait o kaya naman ay magiging abnormal.

At lahat ng mga ito ay pawang haka-haka o tsimis lamang at walang katotohanan at napatunayan na rin ng siyensya na malaki ang proteksyon ng tao laban sa Covid kung sila ang nabakunahan. (May ulat sina Mark Navales at Malou Cablinda)



No comments:

Post a Comment