TAHASANG SINABI ni Pangulong Duterte na wala itong susuportahang presidential candidate sa ngayon, at tigil na rin ito sa kanyang pambabatikos kay Bongbong Marcos na running mate ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Carpio.
Inamin rin ni Duterte na maraming mga presidential candidates ang humihingi ng kanyang basbas, ngunit tikom naman ang bibig nito kung nakiusap ba sa kanya si Sara na suportahan si Marcos at huwag babatikusin.
“Wala akong, almost all of the candidates, in one way or the other, communicated to me na makipag-usap, nanghingi ng suporta. I may, in the end, if I see that it would be, my advice and maybe endorsement would help kung kailangan. But at this time, I am saying that I am not supporting anybody. Gusto ko kasi maglabas na puro ko kaibigan unless there is a compelling reason really for me to change my mind and decide to support a candidate. But until now, wala akong nakikita na danger. May iba kasi diyan na may ideology ang nakasabit eh,” ani Duterte.
Sinabi pa ni Duterte na lahat ng presidential candidates ay kuwalipikado at malayo sa unang mga pahayag nito laban sa kanila.
“I am not into supporting anybody right now. But if I think that there’s a need to talk and to make a noise because hindi naman, pero you just put in peril iyong gobyerno mismo. Now, I say this because in every election, henceforth sa akin pati itong lahat na dumadating, nandiyan kasi 'yung drug money. And drug money has penetrated local government units. Mayors, alam naman ninyo. Iyong iba naglayas na nga eh,” wika pa nito.
Naunang sinabi ni Duterte na may isang presidential candidate na gumagamit ng cocaine at palaging nasa mga party. Tinawag rin nitong “weak” leader ang naturang kandidato at walang nagawa para sa bayan. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment