FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, February 13, 2022

Pangulo, babalik na sa Davao!

PINAGHAHANDAAN NA ng Pangulong Duterte ang kanyang paglisan sa Malakanyang at sa katunayan ay nagsimula na itong maghakot ng mga kagamitan at ibinarko na pabalik ng Davao City.

“In about three months, wala na. So nag-iimpake na nga ako eh. Iyong iba pinadala ko na sa barko, binarko ko. The small things ‘yung mga, ‘yung mga tokens, mga bronze na, iyon ang inuna ko ‘yung mga mabigat. But let us, I wait the day of turnover, matikman ko rin ‘yung feeling ng outgoing President. I will be the one to meet the new president.”

“Then I will invite him here for a talkatise, tête-à-tête, tapos ‘yun. Paglabas ko diyan sa front gate, wala ng…Ang sundalo mag-salute ‘yan sa iyo ‘pag nasa presidente ka pa. Paglabas ko diyan, ‘pag turnover natin dito, ibigay ko na sa bagong presidente, ang mga sundalo hindi na mag-salute. Ganoon ‘yan eh, that’s the protocol. Pag presidente ka pa, maski na nakatuwad ka diyan, mag-salute ‘yan. Pero kung hindi ka na presidente, sabihin nila, “Mayor.” Iyon na lang, hindi na… They are not required to execute a salute because you are nobody. That’s how it is in our practice, in our government, in our democracy,” ani Duterte.

Ginawa ni Duterte ang pahayag upang malaman umano ng publiko ang nagaganap sa loob ng Malakanyang habang papalapit ang halalan. Wala itong binanggit ukol sa kanyang partner na si Honeylet Avanceña na kung saan ay may isa silang anak na si Veronica, 17.

“So iyan lang ang ano ko, little things that I have to do, I make it public. So alam ng tao kung ano nang ginagawa. Nag-iimpake na po ako. In a little over three months, ‘yung excess wala na ‘yun. So I should be out by March. Hindi ko na paabutin ng Abril. Hindi na ako matutulog rin dito. Kung saan ako dalhin ng Panginoong Diyos, mag-practice na ako tulog doon.”

“Magpunta na lang ako dito for a day-to-day trabaho and what’s left of the things that we have to work on. At I will make a speech one of these days thanking the people for the distinct honor of giving me the position as President. Never in my life did I, even during the time I filed my certificate, I really do not know what prompted me to do it knowing that I didn’t have the resources,” sabi pa ni Duterte.

Inamin na rin noon ni Duterte na si Senadora Imee Marcos - ang kapatid ni Bongbong Marcos - ang tumulong at gumastos sa kanyang pangangampanya noong 2016 presidential election. At ng manalo sa halalan si Duterte ay pinayagan nitong malibing sa Libingan ng mga Bayani ang labi ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, ang ama nina Imee at Bongbong Marcos.

Naging miyembro rin ng Gabinete ni Marcos ang abogadong ama ni Duterte na si Vicente bilang Secretary of the Department of General Services. (Mindanao Examiner)



No comments:

Post a Comment