FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, February 19, 2022

Pulis Dabawenyo, 2 iba pa pinuri

DAVAO CITY – Umani ng malaking papuri at paghanga ang isang pulis dito matapos nitong mailigtas ang lalaking nagtangka umanong magpatiwakal dahil sa pag-ibig.

Kinilala ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) ang naturang parak na si Patrolman Jovanie  Mendoza na siyang humalbot sa lalaki habang nakatungtong ito sa ibabaw ng pasamano ng Bolton Bridge at nailigtas sa tiyak na kamatayan.

Nabatid na ang 26-anyos na si Mendoza ay naka-destino sa San Pedro Police Station 2. Sa isang video na nag-viral sa Facebook, makikita si Mendoza na tumatakbo patungo sa tulay ng may matanggap na ulat na isang lalaki ang nakita sa ibabaw ng pasamano. 

Tinantsa muna ni Mendoza ang sitwasyon at ng makakuha ng tiyempo ay sinunggaban na nito ang lalaking sawi at nailigtas ito. Kasama ni Mendoza ang dalawang police auxiliary members na nakilala lamang sa pangalang Panaguiton at Romo na parehong naka-duty ng mga oras na iyon. Kinausap ni Mendoza ang lalaki upang pawiin ang matinding kalungkutan nito. Naganap ang mala-pelikulang drama noong Pebrero 14 na Valentine’s Day pa man din.

Naiyak ang lalaki habang kinakausap at nabawi rin ang isang suicide letter nito. Ilang oras ang makalipas ay sinundo ang nasabing lalaki ng kapatid nito sa mismong himpilan ng San Pedro Police Station 2 at lubos na nagpasalamat sa kapulisan lalo na Mendoza.

Ang agarang pagresponde nina Mendoza, Panaguiton at Romo sa nasabing insidente ay pagpapakita lamang na ang ang “Pulis Dabawenyo” ay laging handang tumulong sa sinumang lubos na nangangailangan, ayon pa sa PCADG. “Maraming salamat Patrolman Jovanie F Mendoza sa pagliligtas mo ng buhay. Isa kang tunay na Pulis Hero!” hayag pa ng PCADG. (Malou Cablinda)



No comments:

Post a Comment