FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, April 30, 2022

‘Cong’ Beng, may mga proposed bills na

ISUSULONG NI Mayor Beng Climaco - kung sakaling manalo ito bilang congresswoman sa District 1 - ang iilang mga panukalang batas na magbibigay ng tulong-pinansyal sa mga estudyante, OJTs sa buong bansa.

Maging ang mabagal na Internet connection sa Zamboanga ay pinuna rin ni Climaco at nangako itong maghahain ng batas upang palakasin ang serbisyo ng mga telecom companies tulad ng Globe Telecom, Smart Communication, PLDT at DITO. 

Ito ang inihayag ni Climaco sa nakaraang Youth Voters’ Education Forum sa Western Mindanao State University. 

“Studies have shown that while education is free in public schools, some students still drop out of school because they had no money to cover their daily needs even for their transportation fares,” ani Climaco said. 

Sinabi pa ni Climaco na ang ipapasa niyang batas ay tatawaging “Student Subsidy Bill” at kukunin ang pondo nito mula sa pamahalaan. Isusulong rin nito ang “OJT Compensation Bill” na magbibigay ng government subsidy sa mga nasa on-the-job training. 

“Sa batas na ito, makakasiguro tayo na mabibigyan ng allowance ang mga nagi-internship na mga estudyante at tax incentives naman para sa mga kompaniyang magsisiguradong may karampatang bayad ang serbisyong binibigay ng mga interns. Malaki ang gastusin sa OJT at internship kung kaya mahalagang mapag-tuunan rin ito ng aksyon ng pamahalaan,” paliwanag pa ni Climaco. 

Sa naturang forum, tanging si Climaco lamang mula sa hanay ng mga tumatakbo sa Kongreso ang nakasagot at nakapag-paliwanag ng mahusay sa kanyang mga plano kung sakaling mahalal bilang congresswoman. 

Malawak ang karanasan at kagalingan ni Climaco sa pulitika at naging congresswoman rin ito ng dalawang beses at nahalal pang House Deputy Speaker for Mindanao. Nanilbihan rin ito bilang city councilor at vice mayor at wala pang talo sa halalan.

Inaasahang muling magwawagi si Climaco bilang congresswoman dahil sa kanyang talino at pagiging tunay na lider. Multi-awarded rin si Climaco at mahusay ang kanyang pamamalakad sa pamahalaang-lokal at suportado ng publiko. (Zamboanga Post)

 



No comments:

Post a Comment