FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, April 30, 2022

‘ROSA’ Tandem, malakas sa Zambo!

PATULOY NA lumalakas ang tambalang “ROSA” o Robredo-Sara tandem sa Zamboanga City na kung saan ay todo ang suporta ng mga Zamboangueños kay Vice President Leni bilang Pangulo at Sara sa pagka-bise presidente sa darating na halalan.

Isang malaking standee ng ROSA tandem ang sumalubong kay Mayor Beng Climaco - na tumatakbo bilang congresswoman sa District 1 - sa kanyang house-to-house campaign sa Zamboanga.

Mismong mga residente na ang naglalagay ng mga tarpaulin ng ROSA tandem sa iba’t-ibang mga barangay dito. Masaya naman si Climaco sa malaking suporta ng publiko sa ROSA tandem.

Matatandaang nitong Marso lamang ay inulansad ang ROSA tandem sa Cagayan de Oro City na dinaluhan ng napakaraming tao. Kabilang sa mga nagsusulong ng ROSA tandem ay sina Zamboanga Mayor Beng Climaco, Congressmen Joey Salceda and Rufus Rodriguez.

“VP Leni and Mayor Inday are both empowered women. Pareho silang hindi iniwan ang Zamboanga City at tinulungan kami lalo na sa panahon ng pandemya. VP Leni instituted Angat Buhay livelihood programs in Mindanao at diyan ko nakita ang pagmamahal niya sa bayan at ang kanyang abilidad na masolusyonan ang problema ng kahirapan. Si VP Leni hindi rin nakalimot sa Zamboanga City sa panahon ng pandemya. Nagpadala siya ng mga PPEs, launched E-Consulta and gave Covid Care kits for our covid positive patients,” ani Climaco na ngayon ay tumatakbong congresswoman sa District 1. 

“Like VP Leni, is another woman - a daughter, a mother, a lawyer and Mayor of Davao City - si Inday Sara Duterte. She is a leader who is courageous in battle. Mayor Inday, like VP Leni, also helped Zamboanga City in the time of pandemic - whether it was the newborn screening tests for babies or the provision of RT-PCR machines. Hindi niya kami iniwan. She also assisted victims of the (military) C130 plane crash (in Sulu province on July 4, 2021) and airlifted them from Zamboanga to Davao - she showed her dedication to help and left a mark on how a woman's passion for service like that of VP Leni can go out of their way to serve with a heart,” dagdag pa nito.

Sisters

Magkaibigan sina Climaco at Duterte at sister cities rin ang Zamboanga at Davao. Magkasama rin ang dalawang alkalde sa America noong Enero 23, 2020 para sa isang international meeting na “Strong Cities, Strong Partnerships: A Comprehensive Approach to Preventing Terrorism in Southeast Asia” sa ilalim ng International Visitor Leadership Program ng Department of State.  

Pinuri pa ni Sara si Climaco dahil sa kabaitan at kabutihan nito. Sa kanyang Facebook post, ito ang sinulat ni Sara: “Throwback muna tayo sa trabaho bago naging pandemic ang Covid-19. January 23, 2020, two years ago today, dumalo ako sa 88th Winter Meeting ng US Mayors, kasama ko Si Zamboanga City Mayor Beng Climaco na aking naging kaibigan dahil sa work trip na ito.

Naalala pa ni Sara na alagang-alaga umano siya ni Climaco habang nasa America at parang magkapatid ang turingan sa isa’t-isa. “Alaga nya (Climaco) ako (at) laging may pagkain ang kwarto ko panlaban sa gutom at siya ang nag-introduce sa akin sa ginger ale na napakasarap pala,” dagdag pa ni Sara.

DDS

Ang paglobo ng suporta sa ROSA tandem ay kasabay ng paglipat umano ng mga DDS o Duterte Diehard Supporters sa kampo ni Climaco upang masigurado ang panalo ni Sara at Climaco.

Ayon sa mga sources, solid ang suporta ng DDS kay Climaco dahil isa umano ito sa mga nagsusulong ng ROSA tandem. “Maraming mga DDS ang sumusuporta kay Mam Beng as in talagang marami dahil ayaw nila kay BBM at si Sara lang at ang Team Climaco ang iboboto nila,” sabi ng isang source na malapit kay Climaco.

Unang ibinalita ng The Zamboanga Post na karamihan sa mga DDS ay ayaw diumano kay presidential aspirant Bongbong Marcos dahil sa iba’t-ibang isyu, kabilang dito pagnanakaw ng salapi sa kaban ng bansa noong panahon ng amang Diktador na si Ferdinand Marcos Sr.

At ayon pa sa ilang sources, ayaw rin ng mga BBM kay Sara dahil sa mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Marcos. Ito rin ang dahilan kung bakit sa lahat ng campaign rally ni Marcos at tanging “BBM, BBM” ang isinisigaw ng mga supporters nito at hindi “Duterte, Duterte,” o “Sara, Sara.”

Nais kasi ni Duterte na ang anak nitong si Sara ang pumalit sa kanya bilang Pangulo at si Senador Bong Go naman ang vice president nito. Hindi rin inindorso ni Duterte si Marcos at ilang beses pa nitong ipinahiya at ininsulto sa publiko si Marcos at binansagang “weak leader” at may “bagahe.” Tanging si Sara lamang ang inindorso ni Duterte.

Si Marcos ay nagtungo sa Zamboanga nitong Marso lamang na kung saan ay nagsagawa ito ng campaign rally sa Universidad de Zamboanga Summit Center sa Barangay Tetuan na dinaluhan ng halos 10,000 katao. 

Nasa ikatlo at huling termino na si Climaco bilang alkalde at dahil sa kagustuhan ng mga Zamboangueño na maipagpatuloy nito ang kanyang maayos na paninilbihan at tulong sa mga residente – Muslim, Kristiyano at indigenous people - lalo na sa mga mahihirap kung kaya’t nagpasya itong tumakbo bilang congresswoman.

Si Climaco ay dating nang nahalal na congresswoman at naging Deputy Speaker pa dahil sa kanyang talino at malawak na kaalaman sa pulitika. Multi-awarded rin si Climaco at maging si Duterte ay ilang ulit itong pinuri. Marami rin natanggap na papuri si Climaco mula sa Department of the Interior and Local Government at iba pang mga ahensya ng pamahalaan at nongovernmental at civic organizations. 

Inaasahang mananalo bilang congresswoman si Climaco dahil pulos bagito sa pulitika ang mga kalaban nito at malayong-malayo sa talino at galing ni Climaco. (Zamboanga Post) 



No comments:

Post a Comment