FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, April 30, 2022

Public health protocols, paiigtingin pa!

IPINAG-UTOS ni Interior Secretary Eduardo Año sa mga local governments at pulisya ang mas pinaigting na pagpapatupad sa public health protocols dahil sa darating na halalan.

Bagama’t wala na umanong mga ipinatutupad na lockdown sa bansa dahil sa mababang bilang Covid-19 cases, nag-aalala naman umano si Año sa patuloy na pagdagsa ng mga tao sa mga campaign rally at sa Election Day. Ito rin ang kanyang ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ngayon po, Mr. President, sa buong Pilipinas ay zero pa rin ang mga areas na under granular lockdown. So ibig sabihin po ay maganda ang numero natin at mababa ‘yung Covid cases natin. At dalawa po ang ating pinakaimportanteng depensa o sandata dito, ang ating mataas na vaccination rate at ang pagsunod sa ating minimum public health standard protocols,” ani Año.

“Ang pinakamalaking challenge po natin, Mr. President, ay ang parating na eleksyon. Sapagkat ngayong mayroong campaign period, halos araw-araw po talagang dumudugso ang mga tao pag-attend ng mga rallies at mga campaign o kampanya na umaabot sa 300 or umaabot po sa six-digit numbers,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Año na posibleng umabot sa 60 milyon ang boboto sa Mayo 9 kung kaya’t kailangan magpatupad ng mas mahigpit na alituntunin upang hindi muling kumalat ang Covid-19 sa bansa.

“At ang pinakamalaking challenge po natin dito ay ang election day mismo sa May 9. Sapagkat ating ine-expect na 60 million, at least 60 million voters po ay lalabas, magco-converge sa mga presinto kung saan sila boboto. Kaya sisiguraduhin po natin na masusunod ang ating minimum public health standards or protocols,” wika nito. 

“So muli po tayong magi-istrikto ang ating kapulisan sa pagpapatupad ng minimum public health standards at tinatawagan din natin ang mga LGUs lalo na po ang mga barangay officials at barangay tanod, ang mga management ng commercial establishments, ang mga community leaders, ang mga campaign organizers na mag — tumulong sa pagpapatupad ng minimum public health standards. Hindi natin papayagan na magkakaroon muli ng Covid surges o spikes dito sa ating bansa. Kahit na mayroon pong projection o prediction na maaaring sumipa ang Covid sa susunod na mga buwan o linggo,” dagdag pa ni Año. (Mark Navales)



No comments:

Post a Comment