ZAMBOANGA CITY – Pinangunahan ngayon araw ni Olympic medalist at BDO brand ambassador Hidilyn Diaz ang pagbubukas ng “CASH AGAD” outlet sa kanyang gym sa Barangay Mampang sa Zamboanga City.
Dinagsa naman ng maraming tao ang pagbubukas ni Hidilyn ng kanyang CASH AGAD outlet. Nagpasalamat ang mga taga-Barangay Mampang sa BDO dahil sa CASH AGAD outlet at malaki umano ang kanilang matitipid sa pamasahe at oras dahil hindi na sila pupunta ng bayan upang mag-withdraw.
Ang CASH AGAD outlet ay isang serbisyo kung saan ay maaari
nang makapag-withdraw at balance inquiry ang sino man na may BDO, BDO Network
Bank o Bancnet ATM cardholder sa mga “CASH AGAD” partner-agent gamit ang
point-of-sale terminal.
Kung
walang malapit na bangko o ATM sa barangay o lugar, CASH AGAD ang solusyon,
ayon kay Hidilyn. “Hindi nyo na kailangang bumiyahe ng malayo at gumastos pa ng
pamasahe para pumunta sa bayan at mag-withdraw,” ani Hidilyn. “Sa CASH AGAD, mas madali, mabilis, at ligtas na ang
pagwi-withdraw sa mga lugar na kung saan walang sangay ng banko at ATM
machines.”
Ayon naman sa BDO, pwedeng mag-withdraw sa mga CASH
AGAD partners hindi lamang sa Zamboanga, ngunit sa buong bansa. Hanapin lang
ang CASH AGAD logo sa mga suking tindahan, hardware stores, groceries,
pawnshops, at iba at puwede ng mag-transact – withdraw o balance inquiry.
Madali lang mag-withdraw:
- Pumunta lang sa pinakamalapit na CASH AGAD
partner.
- Gamitin ang kahit anong Philippine-issued ATM
card.
- Makukuha mo na ang CASH AGAD!
Sinabi ng BDO na sa mga interesadong maging isang CASH AGAD
partner agent, maaaring mag-inquire via:
a. BDO Customer Contact
Center at (02) 631-8000
b. Cash Agad Sales Team
Hotline at (02) 840-7500 or 1800-10-840-7500 (Toll Free)
c. Cash Agad Sales Team
Email Address: cashagad@bdo.com.ph
(Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment