FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, October 6, 2023

Popularidad nina Marcos, Duterte sumadsad

DAVAO CITY – Parehong sumadsad ang popularidad nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Bise Pangulong Sara Duterte, ayon sa Pulse Asia Survey.

Sa inilabas nitong survey kamakailan lamang, sinabi ng naturang polling organization na ang pagbagsak ng popularidad ng dalawang lider ay kasabay ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, partikular ang bigas, at iba pa pang kadahilanan.

Ayon sa Pulse Asia Survey na isinagawa noong nakaraang buwan sa 1,200 katao, bumagsak ng 15% mula 80% ang popularidad ni Marcos. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at ang pangako ni Marcos na tutugunan nito ang nasabing problema ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng popularidad nito.

Ito rin ang unang pagkakataon mula ng mahalal si Marcos na sumadsad ang kanyang popularidad. Si Marcos rin ang tumatayong Agriculture secretary sa kasalukuyan.

Ang pagsadsad naman ng popularidad ni Duterte ay natapat sa kontrobersyal na isyu ng kanyang nakakalulang confidential at intelligence funds na binabatikos sa Senado at Kongreso. Mula 84% noong Hunyo ay bumagsak ang popularidad ni Duterte sa 73%. (Mindanao Examiner)



No comments:

Post a Comment