DAVAO CITY – Binatikos na husto ni Senator Risa Hontiveros ang patuloy na pagtanggi ng kontroberyal na ‘anak ng Diyos’ na si Pastor Apollo Quiboloy na humarap sa public hearing sa Senado dahil s mga ibat-ibang isyung kinasasangkutan nito.
Wanted rin si Quiboloy – na kilalang
malapit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte - ng Federal Bureau of Investigation
at tanging extradition request na lamang ang hinhintay mula sa Amerika upang
ma-aresto at maimbestigahan ito sa mga asuntong kinakaharap.
“The Senate Committee on Women,
Children, Family Relations and Gender Equality is conducting an investigation
in aid of legislation, and it has the power to compel the attendance of
witnesses - no matter how well-connected they are,” ani Hontiveros.
May mga balitang nagtatago na umano si Quiboloy sa
takot na madakip at sa paranoya nitong siya ay itutumba ng FBI.
“In
the past, Cabinet officials, lawmakers, an incumbent Senate President, and even
a former President have submitted to Senate subpoenas and appeared as
witnesses. His constitutional rights, like all witnesses, are respected. Pero
hindi siya mataas pa sa presidente, sa Senado, at sa batas,” wika ni
Hontiveros.
“Sa
kabilang banda, hindi po ako mangingiming tumindig laban sa mga nananakit ng
kapwa -- lalaki, babae, bata, at kahit kadugo, gaya ng hindi nangingimi ang
Senado na magsalita laban sa mga mapanakit, mapang-abuso at tiwali. Isa lang
ang hinihingi sa inyo -- ang magpakita sa Senado. Tinatawag niyong duwag ang
testigong nakatakip ang mukha pero nagpasa naman ng affidavit, habang hindi
kayo sumusunod sa subpoena at nagpadala lang ng audio clip,” dagdag pa ng
senador.
Si Quiboloy ang
itinuturong founder ng Kingdom of Jesus Christ na siyang nagsasabing siya ay “Appointed
Son of God” at “Owner of the Universe. Nahaharap ito sa kaong sex trafficking, at
iba pa mula sa FBI.
Sa official website ng FBI, sinasabing si Quiboloy sa “wanted
for conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion, and
sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud and coercion;
conspiracy; and bulk cash smuggling.”
“Apollo Carreon Quiboloy, the founder of a
Philippines-based church, is wanted for his
alleged participation in a labor trafficking scheme
that brought church members to the United States, via fraudulently
obtained visas, and forced the members to solicit donations for a bogus
charity, donations that actually were used to finance church
operations and the lavish lifestyles of its leaders. Members who proved
successful at soliciting for the church allegedly were forced
to enter into sham marriages or obtain fraudulent student visas to
continue soliciting in the United States year-round,” ayon pa sa FBI.
“Furthermore, it is alleged that females were
recruited to work as personal assistants, or “pastorals,
for Quiboloy and that victims prepared his meals, cleaned his
residences, gave him massages and were required to have sex
with Quiboloy in what the pastorals called night duty,” dagdag pa ng
FBI.
Itinanggi naman ito ni Quiboloy at inihalintulad ang sarili
kao Moses. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment